Press "Enter" to skip to content

Buntis Na OFW, Stranded Na, Nadulas Pa Sa Quarantine Facility

Isang buntis na OFW ang kasalukuyang stranded ngayon sa isang quarantine facility sa Manila. Ang pagkastranded nito ay dulot ng matagal na paglabas ng swab test result nito.

Stranded

Ang OFW ay kinilalang si Katherine Bartolome na nagmula pa sa Dubai. Inabot na ito ng mahigit isang buwan sa quarantine facility na dapat ay tatagal lamang ng 14 na araw. At dahil nga hindi pa dumadating ang test results nito, posibleng abutin na ito ng kanyang due date sa June 2. Sa panayam ng 24 Oras sa ginang, inilahad nito ang posibilidad na mas mapaaga pa ang araw ng panganganak nito dahil malaki aniya ang bata. Ito ay ayon sa kanyang OB-gyne.

Buntis Na OFW, Stranded Na, Nadulas Pa Sa Quarantine Facility 2

“Ang sabi sa k’in ng OB ko, due date ko is June 2. But since medyo malaki ‘yong baby ko, medyo mas mapapaaga pa raw ‘yong panganganak ko. Maybe, two weeks early,”

Paglilinaw pa ng ginang, hindi lamang sya ang overstaying sa facility, kundi marami silang mga OFW doon. At karamihan sa kanila ay hindi makauwi sa kanilang mga probinsya.

Delayed result

Dagdag pa ni Bartolome, May 6 nang sila ay kuhaan ng swab test. Ang advise sa kanila, 3 hanggang 5 araw ang aabutin ng paghihintay ng resulta. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ding bumabalik na resulta sa kanila.

Buntis Na OFW, Stranded Na, Nadulas Pa Sa Quarantine Facility 3

Paglalahad pa ng tubong Laguna na ginang,

“May 6, pinuntahan po kami ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Sinabihan po kami na isa-swab test kami. Dinala po kami sa Philippine Red Cross sa EDSA po. Sa pagkaka-inform po sa amin, 3 to 5 days lalabas na ‘yong resulta. Hanggang ngayon, wala pa rin po,”

Nais magpacheck-up

Nagpabatid si Bartolome sa OWWA na nais nito magpacheck-up ukol sa kanyang pagbubuntis ngunit hindi umano ito pinayagan. Ayon umano sa OWWA, hindi naman emergency case ang kanyang kondisyon.

Kamakailan lamang ay nadulas sa banyo ang ginang na kung saan ay hindi man lamang ito dinala ng OWWA sa ospital. Kwento nito,

“Right away, tinawagan ko ‘yong OWWA. Sabi noong midwife, okay lang naman daw kasi hindi naman… wala naman daw akong discharge, hindi ako dinugo. So parang hindi emergency kaya hindi ako madala sa ospital,”

Sa kabilang banda, nakarating kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang reklamo ng maraming OFW na nastranded. Aniya ay makikipag-ugnayan ito sa OWWA ukol sa mga reklamo.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: