Press "Enter" to skip to content

Buntis Na Pinay OFW, Namatay Dahil Sa COVID-19; Sanggol Himalang Nakaligtas

Isang Pinay OFW sa United Arab Emirates ang pumanaw dahil sa COVID-19. Siya ay pitong buwan ng buntis ng siya ay pumanaw ngunit himalang nailigtas ang sanggol sa sinapupunan nito.

Biktima ng COVID-19

Ang biktima ay si Grace Joy Tiglao, 28 anyos at nagtatrabaho bilang restaurant staff sa Abu Dhabi kasama ang kanyang asawa. Noong Mayo 23, binawian ng buhay si Grace. Subalit bago siya tuluyang mamatay ay mabilis na nagsagawa ng caesarean operation ang mga doktor upang sagipin ang noon ay 7 buwan na sanggol sa sinapupunan ni Grace.

Buntis Na Pinay OFW, Namatay Dahil Sa COVID-19; Sanggol Himalang Nakaligtas 2

Ayon sa kanyang asawa na si Joseph Ayson Tiglao, pareho silang mag-asawa na nagpositibo sa COVID-19. Sabay silang na isolate kung kaya naman hindi niya nasamahan ang kanyang kabiyak sa mga huling sandali nito.

Traydor na sakit

Kwento ni Joseph, hindi niya akalain na babawian ng buhay ang kanyang asawa. Sa tuwing makakausap naman umano niya si Grace ay sinasabi nitong bumubuti naman ang kanyang kalagayan.

“At that time, isolated na ako. Nagkausap naman kami ni misis, Nagiging better naman na daw siya.”

Subalit dahil sa traydor ang sakit na COVID-19, biglang lumala ang kondisyon ni Grace hanggang sa mahirapan na itong huminga.

“Pero lumalala, sobrang nahihirapan siyang huminga kaya in-intubate. Nag decide sila na mag CS operation to save the baby.” ani Joseph.

Masakit na pamamaalam

Ilang oras lang mula ng mailibas ang sanggol, pumanaw na si Grace. Babae ang naging anak nila ni Joseph na pinangalanang Baby Dylhanne Grace.

Dagdag kwento ni Joseph, “On that day, she was asking me to be there next to her kasi one week na kaming hindi nagkikita. Hindi ko alam na parang ‘yun na…parang gusto na pala niyang magpaalam sa ‘kin,”

“Super sakit isipin kasi nga andito ako wala akong magawa bilang asawa niya. If alam ko lang, hindi ko na siya iniwan sa hospital ‘nun since parehas naman kaming positive,”

Sa kabutihang palad, nito lamang Hunyo 27, idineklara na bilang COVID-19 free ang sanggol na si Baby Dylhanne Grace.

Source: Balitambayan

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: