Press "Enter" to skip to content

Bus At Jeep, Pwde Ng Bumyahe Sa NCR. 50% Capacity, Dapat Sundin -Año

Manila, Philippines – Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, papayagang makapag-operate ang mga bus sa ilalim ng mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.

Hindi punu-an

Sa panayam, sinabi ni Año na papayagang makabiyahe ang mga pampasaherong bus na may 50% capacity.

Ani niya,

“Under GCQ, ang buses papayagan na rin ‘yan pero 50% capacity at mayroon dapat provisions diyan ng minimum health standards.”

Bus At Jeep, Pwde Ng Bumyahe Sa NCR. 50% Capacity, Dapat Sundin -Año 2
Photo credit: Rappler

Dagdag pa niya,

“‘Yung mga upuan niyan ay hindi talaga dapat uupuan lahat, may alternately… nasa kanan ‘yung una, ‘yung susunod nasa kaliwa and so on and so forth”

Modernization ng sasakyan

Magpapatupad din aniya ang mga terminal ng bus ng “log-in” sa mga pasahero para sa contact tracing measures.
Sa usapin naman ng jeep, papayagang makabiyahe ang traditional jeepneys ngunit may mga dapat isaalang-alang.

Bus At Jeep, Pwde Ng Bumyahe Sa NCR. 50% Capacity, Dapat Sundin -Año 3
Photo credit: Rappler

Paliwanag ni Año,

“Ang problema kasi sa traditional jeepney magkakalapit at magkakaharap, kapag dumaan ‘yung pasahero diyan ay talagang almost face to face na rin ‘yung kanilang distansya. So one way is to reconfigure the seats and have it approved by DOTr and probably it’s time na siguro na mag modernize jeepney na tayo.”

Sinabi naman ni Año na pwede pa din gamitin ang mga lumang jeepney bilang isang delivery vehicles.

Tuloy pasada

Matatandaan na nitong isang araw lamang ay sinabi ni General Manager Jojo Garcia ng Metro Manila Development Authority na ang mga pampublikong bus at jeep ay hindi papayagan makabiyahe sa Metro Manila sa GCQ

Bus At Jeep, Pwde Ng Bumyahe Sa NCR. 50% Capacity, Dapat Sundin -Año 4
Photo credit: GMA Network

Batay naman sa nirekomeda ng adviser na si Dr. Tony Leachon ng Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, pupuwede pa din mag byahe ang mga nasabing pampasaherong sasakyan sa Metro Manila kapag nailagay na ito sa GCQ simula June1 hanggang June 15.

Ngunit ito ay naka dipende pa din sa pag apruba ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte na inaasahang mag bigay ng kaniyang public announcement mamayang gabi.

Source: GMA Network

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: