Press "Enter" to skip to content

Buti Naman! Problema Sa Due Date Ng Electric Bill, Sinolusyonan Ng ERC

Maynila – Ginawan ng paraan ng Energy Regulatory Commission o ERC ang problema ng publiko tungkol sa pagpatong patong ng bayarin sa kuryente dahil sa ECQ. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapahaba pa ng termino ng hati-hating pagbabayad.

Utos ng ERC

Ayon kay Energy Regulatory Commission chair Agnes Devanadera, nakatakda silang maglabas ng pormal na kautusan upang mas pahabain pa ang hatian ng pagbabayad lalo na sa mga konsumer na mababa lang ang naging konsumo sa buong durasyon ng Enhanced Community Quarantine.

Buti Naman! Problema Sa Due Date Ng Electric Bill, Sinolusyonan Ng ERC 2

Sa ilalabas na utos, ang bill mula Marso 16 hanggang Mayo 30 na siyang sakop ng quarantine period ay ihihiwalay na sa ibang period.

Anim na buwan na

Ang konsumer na gumastos ng 200 kilowatts per hour pababa noong Pebrero na pumatak sa bill ng Marso ay hahatiin na sa anim na buwan ang pagbabayad. Ang magiging due date nito ay mula Hunyo 15 hanggang Nobyembre 15. Sakop nito ang bill mula Marso hanggang katapusan ng Mayo.

Buti Naman! Problema Sa Due Date Ng Electric Bill, Sinolusyonan Ng ERC 3

Kaya naman, kung sakaling ang naging bill ng isang konsumer ay pumalo sa P6,000, hahatiin ito sa anim na buwan. Ibig sabihin tig P1,000 lang ang babayaran kada buwan mula Hunyo hanggang Nobyembre para sa bill na pasok sa quarantine period.

Konsiderasyon ng ERC

Ang desisyong ito ay bilang pag konsidera sa mga kapasidad umano sa pagbabayad ng mga konsumer. Naiintindihan nila na gipit ang marami sa ngayon dahil krisis na bunga ng pandemic na COVID-19.

Ayon kay Devanadera, “Siyempre tinitingnan natin ang capacity ng consumers. Kung ikaw ay ang kunsumo lang mga 200 and below at walang public transportation, saan ka kukuha ng pambayad?”

Apat na buwan naman

Samatala, para sa mga konsumer na lumampas sa 200 kilowatt per hour ang konsumo noong Pebrero, hahatiin sa apat na bayaran ang naipong bill na pumasok sa ECQ period. Ibig sabihin ang mga bill na ito ay babayaran mula Hunyo 15 hanggang Setyembre 15.

Paglilinaw naman ng ERC, hindi kasama sa mga hahatiin ang bill ngayong darating na Hunyo. Magiging sa katapusan ng buwan ang due date nito para magkaroon ng sapat na panahon ang mga naiwang bill sa buong quarantine period.

Dagdag pa ni Devanadera, “When we compare the ECQ and the MECQ, actually they have very little difference. Under both situations there is no access to public transportation so in the mind of the commission, the daily wage earners, the informal sector are still not able to be gainfully employed,”

Buti Naman! Problema Sa Due Date Ng Electric Bill, Sinolusyonan Ng ERC 4

Ayon naman sa Meralco, susunod sila sa magiging patakaran. Hihintayin lang nito ang paglabas ng pormal na utos mula sa ERC.

Source: ABS CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: