Press "Enter" to skip to content

Cainta Mayor Naglatag Ng Mga Dokumento Patungkol Sa Viral Nurse Na Namatay Nang Walang Hazard Pay

Kamakailan lamang ay naging usap usapin ang pagkamatay ng isang nurse sa Cainta. Ang post ay nagmula sa anak nito na si Joie Cruz. Ayon dito, inaasahan niyang P30,000 ang hazard pay ng nanay niya subalit P7,000 lang daw ang nakuha niya. Agad naman itong binalita ng mainstream media at sinabi na ito ang nakakalungkot na kalagayan ng mga frontliners natin. Kaninang umaga lamang ay naglabas naman ng saloobin ang Cainta Mayor laban dito.

Hazard Pay

Ayon sa article na isinulat ni Joie Cruz, P61 per day lamang daw ang hazard pay na natanggap ng nanay niya. At natanggap niya daw ito ngunit binawian na muna siya ng buhay bago pa marelease.

Cainta Mayor Naglatag Ng Mga Dokumento Patungkol Sa Viral Nurse Na Namatay Nang Walang Hazard Pay 2

Sa viral na balita, nasabi ng anak na P61 lang ang hazard pay na natanggap ng nanay niya sa kabila nang pagtatrabaho sa COVID ward.

Cainta Mayor Naglatag Ng Mga Dokumento Patungkol Sa Viral Nurse Na Namatay Nang Walang Hazard Pay 3

Ito ay pinabulaanan ng Mayor, ayon sakanya, bago pa raw magkaroon ng COVID ay nakakatanggap na ng hazard pay ang nanay ni Cruz. Kaya naman P61 nalang ang naging dagdag dito, para maabot ang maximum hazard pay na kaya ng munisipalidad.

Swab Test

Isa pang ikinagalit ng mga netizens ay ang pag paratang ng manunulat na hindi man lang daw ipinaswab test ang nanay niya.

Cainta Mayor Naglatag Ng Mga Dokumento Patungkol Sa Viral Nurse Na Namatay Nang Walang Hazard Pay 4

Ito ay mariin din pinabulaanan ng mayor. Nakalakip pa ang mga screenshot ng conversation kung saan ang nanay mismo ni Cruz ang umayaw at nagsabi na wag na daw siyang ipaswab test dahil mabuti na ang pakiramdam nito.

Cainta Mayor Naglatag Ng Mga Dokumento Patungkol Sa Viral Nurse Na Namatay Nang Walang Hazard Pay 5

Sa naturang screenshot, makikita na tumanggi na magpaswab test ang namayapa, ngunit kinabukasan naman ay biglang gusto ulit nito ituloy. Subalit wala daw nagsswab test ng weekend kaya naman hindi na ito natuloy.

Cainta Mayor Naglatag Ng Mga Dokumento Patungkol Sa Viral Nurse Na Namatay Nang Walang Hazard Pay 6

COVID ward

Isa pang nilinaw ng mayor ay hindi naman daw nagtrabaho ang nanay ni Cruz sa COVID ward. Sa katunayan, sa pedia ward daw ito nakaassign. Layon ni mayor na malinawan ang mga tao na alamin ang kumpletong istorya bago manghusga.

Cainta Mayor Naglatag Ng Mga Dokumento Patungkol Sa Viral Nurse Na Namatay Nang Walang Hazard Pay 7
Cainta Mayor Naglatag Ng Mga Dokumento Patungkol Sa Viral Nurse Na Namatay Nang Walang Hazard Pay 8
Cainta Mayor Naglatag Ng Mga Dokumento Patungkol Sa Viral Nurse Na Namatay Nang Walang Hazard Pay 9
Cainta Mayor Naglatag Ng Mga Dokumento Patungkol Sa Viral Nurse Na Namatay Nang Walang Hazard Pay 10
Cainta Mayor Naglatag Ng Mga Dokumento Patungkol Sa Viral Nurse Na Namatay Nang Walang Hazard Pay 11

Makikita rin sa mga dokumentong ipinost ng mayor na hindi naman daw pinabayaan ang namayapa.

Source: Johnielle Keith Pasion Nieto

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: