Press "Enter" to skip to content

Call Center Agent Pinatay Sa Motel

Biñan, Laguna, Philippines – Isang babae ang natapuang walang buhay matapos magcheck-in kasama ang kanyang dating nobyo. Natagpuang na lamang ang babae na nag-iisa at may nakapulupot na bedsheet sa kanyang leeg na nakatali sa pintuan ng motel.

Check-in

Ayon sa kuha ng CCTV noong alas 6 ng gabi ng July 25, 2020 ay nakuhanan papasok sa parking ng motel si Maria Crisanta Magadia. Sakay siya ng isang lalaking nakamotor na hinihinalang ang dati niyang kasintahang si Roscoe Alve na taga Valenzuela City.

Call Center Agent Pinatay Sa Motel 2
Photo Credit: GMA News Online

Pumasok sila ng Q18 hotel sa Biñan, Laguna at bandang ala-una ng madaling araw ay mag-isa na lamang lumabas si Alve. Kuha sa CCTV na buhat ni Alve ang bag ni Crisanta.

Pagdududa

Dakong alas-3 ng madaling araw ay nagtataka ang management ng hotel kung bakit hindi pa lumalabas ang dalawa taliwas sa kanilang binook na oras. Nang walang sumasagot sa kanilang pagkatok ay dito na nila binuksan ang kwarto at dito natagpuan ang walang buhay na katawan ni Crisanta.

Call Center Agent Pinatay Sa Motel 3
Photo Credit: GMA News Online

Kinontak kaagad ng management ng hotel ang mga awtoridad upang ipaalam ang nangyaring krimen sa kanilang establisyimento. Agad-agad nireview ng mga awtoridad ang kuha ng CCTV ng motel at napag-alaman na mag-isang lumabas ni Alve ng motel.

Mapait na Hantungan

Napagalaman ng mga awtoridad na dalawang linggo mula ng naghiwalay si Crisanta at Roscoe. Maaring napagkasunduan nilang mag-usap sa motel upang ayusin o masinsinang pag-usapan ang kanilang relasyon.

Call Center Agent Pinatay Sa Motel 4
Photo Credit: GMA News Online

Napag-alaman ng mga sumisiyasat na mayroon na palang kinakasama si Roscoe. Maaring naging motibo ito sa alitan ng dalawa na humantong sa karumaldumal na krimen.

Wanted

Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad si Alve na ngayon ay lumikas na at wala na sa kaniyang inuupahang bahay. Deactivated narin ang kanyang social media account at posibleng nagtatago.

Call Center Agent Pinatay Sa Motel 5
Photo Credit: GMA News Online

Napagalaman din na isa ring ina si Crisanta at may pamilyang binubuhay. Maliban sa pagiging call center agent ay suma-sideline rin bilang isang mang-aawit. Ang tanging hiling ng kaniyang pamilya ngayon ay mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Crisanta.

Narito ang buong kwento : Facebook – The Headlines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: