Press "Enter" to skip to content

Caloocan: Lola, Namamalimos Para Sa Pang-Online Class Ng Apo At Asawang Mahina Na

Isang post ang umantig sa puso ng maraming netizens nang ibahagi ng Facebook user na si Jhonroe Yu Cabildo kung paano nito nakilala ang isang lola na namamalimos sa Monumento, Caloocan.

Lolang nanlilimos

Ayon sa post ni Cabildo, bandang alas-dos ng hapon nang magpunta ito sa Monumento, Caloocan upang magpasa ng kanyang requirements nang makita nito ang isang lola na namamalimos at tila gutom na. Dagdag pa riyan, kakaunting tao lamang ang nakakapansin sa kaawa-awang lola.

Caloocan: Lola, Namamalimos Para Sa Pang-Online Class Ng Apo At Asawang Mahina Na 2

Hindi naman kinaya ng puso ng binata na lagpasan ang matanda kaya naman kinausap nya ito at binahaginan ng maliit na tulong. Aniya sa matanda, wag ito mag-alala at may tutulong rito na mas may kakayahan tulad ni sir Raffy Tulfo. Bagaman ay hindi kilala ng matanda si Idol Raffy, nahiya ito sa pag-asang may makakatulong sakanya.

Para sa online class

Nanlumo naman si Cabildo nang malaman nya na ang dahilan ng panlilimos ni lola ay para sa online class ng apo at para sa asawang mahina na. Si nanay ay kinilalang si Laida Cadie Gracias mula aa Brgy 160, Caloocan City.

Caloocan: Lola, Namamalimos Para Sa Pang-Online Class Ng Apo At Asawang Mahina Na 3

“lalong nanlumo ako nung nalaman ko na nanlilimos sya para sa Apo nyang nag Online class iniipon nya daw ung panlilimos nya para sa apo at asawa nyang mahina na.”

Tulong para kay lola

Nagpost din ng mensahe ang binata para sa lola. Aniya ay pagpasensyahan na ang kanyang maliit na tulong ngunit unaasa ito na mas madami pang tulong ang matatanggap nito mula sa mga makakapansin ng kanyang post.

Caloocan: Lola, Namamalimos Para Sa Pang-Online Class Ng Apo At Asawang Mahina Na 4

“Pasensya na sa kaunting tulong nay Alam kong kulangn kaya eto, hwag kang mag-alala nanay, alam ko na may mga taong mabubuting pa na makakatulong sa iyo at makakapansin sa post ko na ito para matulungan ka. Tulungan po natin si nanay #raffytulfoinaction”

Hinihikayat

Hinihikayat naman ng uploader ng post na ishare ang kanyang post upang makarating sa himpilan ni Raffy Tulfo ang sitwasyon ng kaawa-awang matanda. Aniya ay malaking tulong ang pagbabahagi ng kwento ni Lola Laida at matulungan ni Tulfo.

Pls 🙏 make this notice by #raffytulfoinactionfacebookpage2:45 ng hapon pumunta ako sa monumento station caloocan para…

Posted by Jhonroe Yu Cabildo on Tuesday, October 13, 2020

Source: Jhonroe Yu Cabildo

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: