Press "Enter" to skip to content

Cashless Payment Sa Mga Taxi Drivers, Ilulunsad Ng DOTr

Magpapatupad na ng digital payments sa mga taxi bilang bahagi ng new normal dahil sa pandemic ng coronavirus disease (COVID-19).

Cashless payment

Nakipagkasundo ang Department of Transportation (DOTr) sa ilang payment providers para maisakatuparan ang cashless o contactless transactions sa mga taxi.

Ipinahayag ito ng DOTr dahil may mga taxi na at iba pang pampublikong sasakyan ang pinapayagan nang pumasada sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Cashless Payment Sa Mga Taxi Drivers, Ilulunsad Ng DOTr 2
Photo Credit: DOTr

Kabilang sa unang nakausap na ng DOTr ay ang Globe Telecom, Inc. para magamit ang GCash sa nasabing digital payment scheme.

Limitadong physical contact

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, “Cashless and contactless payment scheme will now be part of the ‘new normal’ in the public transportation system.”

Aniya, “This should not be treated by taxi operators as another transaction cost. Rather, this move intends to limit direct physical contact between drivers and their passengers and help stop the spread of COVID-19. “

Cashless Payment Sa Mga Taxi Drivers, Ilulunsad Ng DOTr 3
Photo Credit: Fintech Zoom

“I am very grateful to GCash for making this new arrangement happen,” pagtatapos pa ni Tugade.

Scan-to-pay

Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan kasama ang DOTr-LTFRB, pinapayagan ng GCash ang taxi drivers na tumanggap ng digital payments sa pamamagitan ng scan-to-pay (STP) app sa QR technology nito.

Dahil dito, kakailanganin na lamang ng GCash users na i-scan ang unique QR code ng taxi unit na sinasakyan nila sa pagbabayad ng kanilang metered fares.

Cashless Payment Sa Mga Taxi Drivers, Ilulunsad Ng DOTr 4
Photo Credit: Orange Magazine

“GCash will enable taxi drivers to accept digital payments through the revolutionary Scan-to-Pay (STP) app via the QR technology of GCash. Using this app, GCash users only need to scan the unique QR code of the taxi unit they are riding in paying for their metered fares,” ang paliwanag ni Tugade.

Para may physical distancing

Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra III na ang bagong fare payment setup ay makatutulong sa mga driver at pasahero para maiwasan physical contact at ang transmission ng COVID-19 o iba pang bacteria.

Aniya, “Hindi na magiging problema kung paano ba ang sistema sa pagbayad ng pasahe sa taxi. Malilimitahan ang direct contact sa pagitan ng drayber, at ng pasahero. Mao-observe ang physical distancing.”

“Ibig sabihin, dahil sa maliit o walang tsansa na kumalat ang COVID-19, mas maraming buhay ang ating masasalba,” paliwanag pa niya.

Cashless Payment Sa Mga Taxi Drivers, Ilulunsad Ng DOTr 5
Photo Credit: Facebook-LTFRB

Ayon pa kay Delgra, bukod sa GCash, nakikipag-usap na rin ang LTFRB sa iba pang electronic payment providers katulad ng Squidpay, Paymaya at Beep.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: