Press "Enter" to skip to content

Catriona Gray, Ipapa-Auction Ang Kagamitan Para Pambili Ng Covid-19 Testing Kits

Manila, Philippines – Inanunsyo Miss Universe 2018 Catriona Gray na kaniya ng ia-auction ang ilang mga personal na kagamitan at ibibigay ang mga nakalap na kita nito para sa Covid-19 testing.

Shop and share

Ang kaniyang mga memorabilia sa pagka panalo ng Miss Universe noon at iba pa niyang mga kagamitan ay ibebenta sa Shop and Share Store.

Catriona Gray, Ipapa-Auction Ang Kagamitan Para Pambili Ng Covid-19 Testing Kits 2
Photo Credits: Shop And Share Store

Matatandaan na ito ay isang proyektong inilunsad ng mga kasamahan niyang aktres na sina Angel Locsin and Anne Curtis.

Layunin ng pagbenta

Ang Shop and Share Store ay nagsisilbing platfrom para sa mga aktor, singer, at atleta na nais ibahagi at i-donate ang kani-kanilang mga personal items.

Ang plano ni Miss Universe 2018 ay kaniyang inanunsyo sa kaniyang instagram nitong Lingo. Kaniya din kinompirma na karamihan sa kaniyang mga pre-loved items ay malaki ang nagi bahagi sa kaniyang buhay lalo na ng siya ay mag sisimula pa lamang sa karera ng mga beauty queens.

Catriona Gray, Ipapa-Auction Ang Kagamitan Para Pambili Ng Covid-19 Testing Kits 3
Photo Credit: CNN Philippines

Ani pa ni Gray,

The MU pin in particular is super sentimental to me as it secured my sash as I competed in the Preliminary competition of Miss Universe 2018. But I’ve decided to dedicate it to a cause.”

Samantala, kabilang sa mga nauna ng pina-auction ay ang mga designer bags, mga branded na damit, jerseys ng mga atleta at mamahaling mga alahas mg ibang aktres.

Auction for a cause

Ang mga nasabing kagamitan ay ia-auction sa e-commerce platform na eBay. Ayon naman kay Angel Locsin, ang perang makakalap ay gagamitin sa pagbili ng mga Covid-19 test kits upang mas mapalawak ang testing sa bansa lalo na sa mga mahihirap na panig nito.

Catriona Gray, Ipapa-Auction Ang Kagamitan Para Pambili Ng Covid-19 Testing Kits 4
Photo Credits: Shop And Share Store

Kabilang ang iba pang mga celebrities na mag-a-auction ng kanilang personal na kagamitan bipng pag suporta sa proyekto ay sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Anne Curtis, Angel Locsin, Kathryn Bernardo, Liza Soberano, Tony Labrusca at Zsa Zsa Padilla.

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: