Press "Enter" to skip to content

CCTV Footages Bago Matagpuang P4t4y Ang Lady Driver Sa Laguna, Nakalap Ng Pulisya!

Tila nagkakaroon na ng kaunting linaw ang karumal-dumal at walang awa na p4gp4t4y sa isang lady driver sa Laguna. May nakalap na CCTV footages ang kapulisan sa kanilang pag-iimbestiga.

Tatlong pasahero

Nakakuha ng CCTV footages ang kapulisan ilang oras bago mangyari ang krim3n. Nakita sa footage ang mukha ng tatlong pasahero ng biktimang si Jang Lucero. Liban pa riyan, may lumutang na pangalan na kinilalang alyas “Althea” na diumano syang mastermind ng planong p4gp4t4y sa dalaga.

CCTV Footages Bago Matagpuang P4t4y Ang Lady Driver Sa Laguna, Nakalap Ng Pulisya! 2

Sa CCTV ay makikita ang pagtigil ng sasakyan ni Lucero sa isang fastfood chain at isinakay ang tatlong pasahero mula doon. Makikita sa video ang dalawang lalaki at isang babae. Ayon sa pagiimbestiga, ang dalawang lalaki ay umupo sa likod habang ang babae naman ay umupo sa tabi ng driver.

Isa pang footage

Ngunit bago pa man mapick up ni Lucero ang mga susp3k, may nakuha na isa pang cctv footage ang kapulisan na kung saan ay makikita ang tatlong pasahero na syang ibinaba sa fastfood chain lulan ng isang kotse na asul. Nang makasakay na ang tatlo sa sasakyan ng biktima, kapansin-pansin ang tila pagsunod ng kotseng asul sa sasakyan ni Lucero.

CCTV Footages Bago Matagpuang P4t4y Ang Lady Driver Sa Laguna, Nakalap Ng Pulisya! 3

Ayon sa pahayag ng provincial police director ng Laguna na si Police Colonel Serafin Petalio, mahalaga ang mga cctv footages na ito dahil dito makikita ang mga pangyayari bago m4p4slang ang biktima.

Alyas Althea

Sa kabilang banda, napag-alaman sa isinagawang imbestigasyon mula sa mga person of interest ang isang alyas “Althea” na syang diumano ay mastermind ng p4gp4t4y sa dalaga. Sa imbestigasyon, inihayag ni Petalio na may indikasyon na hinawakan sa braso ang dalaga dahil nagdulot ito ng pagkabali, habang ang isa pang susp3k ay sin4s4ksAk ang biktima.

Nagpabatid naman ng mensahe ang pulisya sa mga taong sangkot sa p4gp4t4y kay Jang Lucero. Anila, humarap na ang mga ito o sumuko bago pa sila mahuli.

Source: Balitambayan

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: