Press "Enter" to skip to content

Cebu City at Pang Lugar Sasailalim sa GCQ Ngayong Agosto 16; NCR Quarantine Malalaman sa Lunes

Last updated on August 17, 2020

Inanunsyo ng Malacañang nitong Sabado ang quarantine classifications na ipapatupad sa buong bansa sa susunod na dalawang linggo.

GCQ simula Agosto 16

Sa isang virtual briefing, ipinahayag ni presidential spokesperson Harry Roque ang desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases’ (IATF-EID) tungkol sa quarantine measures na magsisimula sa Agosto 16 hanggang 31.

Cebu City at Pang Lugar Sasailalim sa GCQ Ngayong Agosto 16; NCR Quarantine Malalaman sa Lunes 2
Source: Youtube

Sasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ang mga sumusunod na lugar: Nueva Ecija, Batangas, Quezon, Iloilo City, Cebu City, Lapu Lapu City, Mandaue City, Talisay City, munisipalidad ng Minglanilla, at Consolacion sa Cebu

“The rest of the country are placed under Modified General Community Quarantine (MGCQ), with some provinces, highly urbanized cities and independent component cities with strict enforcement of local action.”

“Ang natitirang bahagi ng bansa ay masasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ), habang ang ilang probinsya, mga highly-urbanized na lungsod at independent component cities ay magkakaroon ng mahigpit na pagpapatupad ng local na aksyon.” ayon pa kay Roque

Malalaman sa Lunes

Samantala, ang modified enhanced community quarantine (MECQ) classification ng National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal ay iaanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Agosto 17, isang araw bago matapos ang lockdown measure sa mga nasabing lugar sa Agosto 18.

Cebu City at Pang Lugar Sasailalim sa GCQ Ngayong Agosto 16; NCR Quarantine Malalaman sa Lunes 3
Source: Rappler

“Ang quarantine classification ng National Capital Region, probinsiya ng Bulacan, probinsiya ng Cavite, Laguna, at Rizal ay iaanunsiyo ng ating Presidente galing sa Davao sa darating na Lunes,” ani Roque.

Matatandaang isinailalim ni Duterte ang Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal, at Bulacan sa MECQ simula August 4 hanggang 18 bilang pagtugon sa hiling na ‘time-out’ ng medical community sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Strict lockdown

Ayon pa kay Spox,

“The National Task Force (NTF) and the Department of Interior and Local Government (DILG) are directed to ensure that areas flagged for local action shall implement strict lockdown of areas in line with the Zoning Containment Strategy, strict enforcement of minimum public health standards, and intensified tracing and quarantine of close contacts and isolation of confirmed cases.”

Cebu City at Pang Lugar Sasailalim sa GCQ Ngayong Agosto 16; NCR Quarantine Malalaman sa Lunes 4
Source: UNTV News

Dagdag pa niya,

“Ang National Task Force (NTF) at ang Department of Interior and Local Government (DILG) ay inatasan upang matiyak na ang mga lugar na naka-flag para sa lokal na aksyon ay dapat ipatupad ang mahigpit na lockdown ng mga lugar na naaayon sa Zoning Containment Strategy, mahigpit na pagpapatupad ng minimum public health standards, at pinatinding pagsubaybay at quarantine ng mga close contact at paghihiwalay ng mga nakumpirmang kaso”.

COVID-19 update

Noong Biyernes, ang Pilipinas ay nakapagtala ng 153,660 kumpirmadong kaso ng COVID-19. Sa bilang na ito, 71,405 na ang gumaling habang 2,442 ang namatay.

Mayroong 79,813 aktibong kaso na sumasailalim sa treatment o quarantine. Sa mga ito, 91.1% ang mild, 7.3% ang asymptomatic, 0.6% ang malala, at 1.0% ang mga nasa kritikal na kondisyon.

Source GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: