Press "Enter" to skip to content

Cebu City, Bagong Episentro Ng COVID-19. Kamay Na Bakal, Gagamitin!

Cebu City – Ayon sa chief implementer ng COVID-19 task force na si Secretary Carlito Galvez, kailangan ng “mahigpit” na mga patakaran ang kinakailangang ipatupad sa Lungsod ng Cebu matapos ang biglang pag-akyat sa bilang ng mga kaso sa lungsod.

Pag lobo ng kaso

Ayon kay Galvez, patuloy ang pagtaas sa mga malulubhang kaso ng coronavirus sa Cebu City bagama’t isinailalim na ito sa striktong lockdown sa loob ng dalawang linggo.

Cebu City, Bagong Episentro Ng COVID-19. Kamay Na Bakal, Gagamitin! 1
Photo Credit: GMA Network

Ani niya,

“Nakikita namin talaga kailangan pa ng stringent restrictions. Kasi na-find out namin na noong nag-ECQ (enhanced community quarantine) sila, hindi ito properly implemented.”

Balik ECQ sa Cebu

Ang paglala sa sitwasyon ng lungsod ay nag-udyok kay Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim ang Cebu City sa enhanced community quarantine (ECQ) sa pagsisimula ng buwan upang mapigilan ang paglaganap ng nakamamatay na sakit sa lugar.

Itinalaga rin niya si Environment Secretary Roy Cimatu, upang pangasiwaan ang Covid-19 response sa lungsod na tahanan ng 900,000 katao.

Cebu City, Bagong Episentro Ng COVID-19. Kamay Na Bakal, Gagamitin! 2
Photo Credit: CNN Philippines

Kasalukuyang sinusubaybayan naman ng mga awtoridad ang 19 barangays upang matiyak na masusunod ang mga ipinatutupad na patakaran, dagdag pa ni Galvez.

Episentro ng virus

Dahil din sa pag-akyat ng mga kaso, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na ang Lungsod ng Cebu na ang bagong sentro ng Covid-19 outbreak sa Pilipinas.

Noong Hunyo 28, nakapagtala ng 131 na mga bagong kaso ang lungsod habang ang Metro Manila naman ay nakapagtala ng 356 na panibagong mga kaso.

Cebu City, Bagong Episentro Ng COVID-19. Kamay Na Bakal, Gagamitin! 3
Photo Credit: GMA Network

Samantala, ayon kay Año, tumaas ang bilang ng Covid-19 cases sa lungsod dahil umano sa pagiging kampante ng publiko at ang pag-uwi ng mga OFWs at locally stranded individuals (LSIs) mula sa ibang lugar. Ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Cebu City ay magtatapos sa Martes, Hunyo 30 habang inaasahan ang pagpapatupad ng mga bagong patakaran sa Miyerkules, Hulyo 1.

Source:MSN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: