Press "Enter" to skip to content

Ceres Bus Sa Cebu, Nireklamo Ng Mga Pasahero. Physical Distancing, Nakalimutan Nga Ba?

Cebu City – Trending ngayon sa social media ang mga larawan na kuha ng dalawang concerned citizen matapos nilang ibahagi ang kanilang karanasan habang nag hihintay ng Ceres Bus na kanila ding inirereklo.

Social distancing no more!

Ayon sa kinuhanang litrato ni Chum Bian, makikita ang mga pasaherong nag aabang sa gilid ng kalsada na hindi na pinapansin ang physical distancing ng bawat isa basta’t makasakay lamang ng bus.

Ceres Bus Sa Cebu, Nireklamo Ng Mga Pasahero. Physical Distancing, Nakalimutan Nga Ba? 2
Facebook

Ani pa ni Bian,

“Oh LTO, nasaan na yung mga dapat mag check ng bawat bus na sinasakyan pati na rin ng mga pasahero? Ngayon papaano na to, ang ganitong sistema?!?”

Ceres Bus Sa Cebu, Nireklamo Ng Mga Pasahero. Physical Distancing, Nakalimutan Nga Ba? 3
Photo Credits: Facebook

Kitang kita sa larawan ang nag uumpukan na mga pasahero habang ang iba naman ay nag uunahan sa pag akyat ng Ceres bus.

Salpak lang ng salpak ng pasahero

Batay naman sa mga litrato na inupload ni Loremie Estremos sa kaniyang facebook account, makikita din ang sitwasyon sa loob ng Ceres Bus kung saan wala man lang pakialam ang drayber at kundoktor ng bus kundi magpa sakay lamang ng pasahero.

Ceres Bus Sa Cebu, Nireklamo Ng Mga Pasahero. Physical Distancing, Nakalimutan Nga Ba? 4
Photo Credits: Facebook

Ani pa ni Estremos,

“Jusko, wala ng social distancing dito sa loob ng bus. Hustisya po Panginoon ko! Sinalpak ng sinalpak lang mga pasahero sa loob ng bus. Paki-share po please para maging aware ang lahat.”

Dadaga pa niya,

“Naglalakad ako sa gitna na ng kalsada para lamang maka iwas sa pakikipag siksikan sa ibang tao lalo na’t iyong mga nakakasalubong tapos ngayon dito sa bus, siniksik ng siniksik lang kami lahat.”

Ceres Bus Sa Cebu, Nireklamo Ng Mga Pasahero. Physical Distancing, Nakalimutan Nga Ba? 5
Photo Credits: Facebook

Kaniya din ikinwento na sa simula lang daw sinunod ang social distancing pero kalaunan ay hindi na ito napatupad matapos papasukin at pasakayin ng kundoktor ang mga pasahero.

Viral at pag batikos

Matapos nga ang nasabing pag upload ng larawan, ay umani naman ito ng maraming pagbabatikos at pag kwestyon sa mga ka-pulisan ng Cebu City at LTO dahil sa kanilang pagpapabaya sa nasabing insidente.

Ceres Bus Sa Cebu, Nireklamo Ng Mga Pasahero. Physical Distancing, Nakalimutan Nga Ba? 6
Photo Credits: Facebook

Matatandaan na sa kasalukuyan ay umaabot na sa 2,552 ang kabuuhang bilang ng mga biktima sa ciudad. Nito lamang linggo base sa datos ng DOH ay mayroong 73 bagong kaso ng COVID-19 sa lugar. Karamihan sa mga naitalang biktima ay mula sa Barangay Camputhaw na may 19 bqgong kaso sa isang araw lamang.

Source: Facebook – Loremie Estremos

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: