Press "Enter" to skip to content

Chekwa, Arestado Matapos Mahuling Dumudura sa Loob Ng Bus Sa Thailand

Isang babaeng Intsik ang inaresto nitong Huwebes, Marso 19 matapos itong makita na paulit ulit na dumudura sa loob ng bus na sinakyan nito mula Bangkok papuntang Saraburi.

Chekwa, Arestado Matapos Mahuling Dumudura sa Loob Ng Bus Sa Thailand 2

Huli!

Isang litrato ang isinapubliko ng Department of Disaster Prevention and Mitigation na kung saan ay ang mga opisyal na umaresto sa babaeng Intsik ay nakasuot ng protective suit. Naganap ang pag-aresto matapos makatanggap ang mga kinauukulan ng mga reklamo sa social media ukol sa chekwa na panay ang pagdura sa loob ng pampublikong sasakyan.

Salaula

Ayon sa report, namataan ang chekwa na umiikot ikot sa ibat ibang parte ng sasakyan para lamang dumura. Bunsod nito ay pagkabahala para sa mga kapwa pasaherong lulan din ng sasakyan dala na din ng banta ng covid-19 virus sa maraming bansa.

Nang makarating naman ang sasakyan sa terminal ay doon ay sinubukang isailalim ng Public Health officials ang babaeng nagkakalat ng dura sa covid-19 test ngunit tumanggi ito. Sinabi nito na magi-stay lamang ito sa lugar ng iilang araw at sabay na umalis.

Inaresto

Nakita na naman ang chekwa sa loob ng isang tren papuntang Bangkok at naghahasik ng pagdura. Ito ang nagbunsod sa mga opisyal na arestuhin ito. Nagpumiglas ang babae at sinubukang duraan ang mga arresting officer.

Isinailalim ang chekwa sa quarantine kahapon ng gabi at ipinadala sa Siriraj Hospital para sa covid-19 testing. Negative naman ang lumabas na resulta ng test.

Covid-19

Nagsimula ang pagkalat ng Covid-19 sa Wuhan, China na kung saan ay libo libo ang nagbuwis ng buhay. Maraming bansa na rin ang naapektuhan na kung saan ay nagtalaga ang bawat bansa ng travel ban at lockdown upang mapuksa at mahinto ang mabilis na pagdami ng pagkahawa rito. Puros mga matanda at mga bata ang lubos na apektado ng sakit na ito. Pati na din ang mga taong may mahinang immune system at taong may sakit.

Source: Inquirer.Net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: