Press "Enter" to skip to content

Chief of Police Sa Masbate, Nagbanta At Nanakit Sa Estudyanteng Kalaro Sa Basketball!

Isa sa mga sumbong sa programa ni Raffy Tulfo ay ang pananakit at pananakot ng Chief of Police ng Masbate sa isang binata na nakalaro nito sa basketball.

Nasangga

Ayon sa pahayag ng biktima na si Ralph Angelo Enojas, nagkabanggan ang mga paa nila ni Masbate Chief of Police Nino Aquitan sa isang fastbreak game. Bagaman hindi naman sila nagkatumbahan, tila napikon ang pulis sa nangyari. Nang lumapit ang binata sa pulis upang manghingi ng pasensya sa hindi sinasadyang pagkabangga, binuska ito ng pulis. Sa kabila ng insidente, ipinagpatuloy ng grupo ang laro. Ganunpaman, sa mga sumunod na laro ay kapansin pansin na naging mainit sa mata ni Aquitan ang binata. Kaya naman minabuti ng mga ito na itigil na ang laro.

Chief of Police Sa Masbate, Nagbanta At Nanakit Sa Estudyanteng Kalaro Sa Basketball! 2

Naganap ang insidente noong ika-5 ng Oktubre.

Pananakit

Ipinahayag ni Enojas ang mga pananakit at paninipa sakanya ni Aquitan. Aniya kahit pa man hindi ito lumalaban at minamabuti na lamang na lumipat ng ibang lugar upang makaiwas sa gulo, pilit itong sinusundan ng pikon na pulis. Isang pulis naman ang naglakas loob na awatin ang kanyang kabaro. Samantala, ang iba pang apat na pulis ay nanood lamang sa nangyari, ayon sa kapatid ng binata.

Chief of Police Sa Masbate, Nagbanta At Nanakit Sa Estudyanteng Kalaro Sa Basketball! 3

Irerelieve

Ayon naman sa provincial director ng Masbate PNP na si P/Col. Joriz Cantoria, magsasagawa ng imbestigasyon para sa nangyaring insidente. Nakausap ni Cantoria si Aquitan at sinabi nito na may pagkakamali ito sa kanyang aksyon sa naturang laro. Sinubukan umano nito makipagusap sa pamilya Enojas ngunit hindi nagpaunlak na makipagusap sa kanya. Pahayag ng Masbate provincial director, dapat ay idinaan sa kanilang himpilan kung may reklamo ang naagrabyadong pamilya upang nakapagsagawa ng imbestigasyon ukol sa insidente.

Sasampahan ng kaso

Nagpabatid ng kagustuhan ang kapatid ng biktima na kasuhan ang iba pang apat na pulis na nanood lamang sa pananakit, paninipa, at pagbabanta ni Aquitan sa binata. Sinabi din umano ni Aquitan sakanya na nakapagtimpi pa ito at hindi nap4t4y ang kanyang kapatid. Nagbanta din ang pulis na kung magsasampa ang pamilya ng reklamo, lalaban ito at gagamitin ang kanyang mga koneksyon.

Source: News5Everywhere

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: