Press "Enter" to skip to content

China, Anonymous Na Naghatid Ng Tulong Sa Filipino Frontliners

Mula sa China ay nakatanggap ang Pilipinas ng ibat ibang mga kagamitang medikal para sa ating mga frontliners. Hindi man nagpakilala ang mga nasabing tao na nag bigay ng mga donasyon ay inaasahang malaki ang maiaambag nito sa laban kontra COVID-19.

Ang nagpa abot ng tulong

Ang hindi nagpakilalang mga donors ay sinasabing, isang negosyanteng Filipino-Chinese at isa pang kompanyang local na pag mamay ari rin ng isa pang Filipino-Chinese.

China, Anonymous Na Naghatid Ng Tulong Sa Filipino Frontliners 2
Facebook

Ang nasabing mga Donasyon ay Mga kagamitang medikal na nagkakahalaga ng isang daang milyong piso, na ipinabibigay sa mga doktor at iba pang frontliners sa bansa.

Mga kagamitan.

Ayon sa Facebook post ng Radio Television Malacañang, kabilang sa mga kagamitang medikal ay ang; 15,000 na piraso ng medical protective suits, 40,000 medical gloves, 5,184 na disposable goggles at 1000 ng infrared thermometers.

China, Anonymous Na Naghatid Ng Tulong Sa Filipino Frontliners 3
Facebook

Kabilang pa din sa mga kagamitang medikal na ipinamahagi ay ang; 368,600 na piraso ng protective masks, 5000 na disposable shoe covers, 10,050 ng diagnostic kits, isang set ng fully-automated nucleic acid extraction system at isang piraso ng slan 96p time PCR thermal cycler.

Nakuha na

Pag kukumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, nung nakaraang Sabado ay lumipad umano ang Philippine Air Force C-130 cargo plane ng Pilipinas sa Fuzhou China, at doon nga ay nakuha na ang mga nasabing donasyon.

China, Anonymous Na Naghatid Ng Tulong Sa Filipino Frontliners 4
Facebook

Noong sabado rin ng makapananghali ay isinagawa ang turn over ceremony na dinaluhan ng ilang opisyal ng Pamahalaan.

Hiniling naman ng mga nasabing doners na itago ang kanilang pagkakakilanlan.

Kinakailangan.

Ang donasyon ay dumating sa Pilipinas sa kasagsagan ng matinding laban ng mga pilipinong frontliners sa patuloy na pagkalat ng pandemic na COVID-19 sa maraming lugar sa Bansa.

Matatandaan na sa kasalukuyan ay may mahigit limang daang kumpirmadong kaso na ng COVID-19 ang naitala sa Pilipinas. Ito ay nagsimula nga sa Wuhan China.

Source: Inquirer

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: