Press "Enter" to skip to content

China, Magbibigay Ng Libo-Libong PPEs, Test Kits, At Masks 

Last updated on March 21, 2020

Ibinalita ni DFA Secretary Teddy Locsin Jr., Miyerkules, ika-18 ng Marso, na magpapadala ang China ng mga medical supplies na testing kits with primers (100,000), N95 mask (10,000), personal protective equipment (10,000), at mga surgical mask upang makatulong na labanan ang lumalang novel coronavirus (COVID-19) sa bansa.

Isang mensahe

Ipinahayag ni Locsin ang magandang balita na ito sakanyang social media at sinabing nakatanggap siya ng isang mensahe mula kay Chinese Amabassador to Manila na si Huang Xilian. Sinabi ni Locsin na ito ang ipinangakong tulong ni Chinese Foreign Minister na si Wang Yi noong linggo na sila ay agarang magbibigay ng mga medical supplies na kinakailangan ng bansa upang malabanan ang COVID-19.

China, Magbibigay Ng Libo-Libong PPEs, Test Kits, At Masks  2

“I notified Ambassador Huang that the testing kits need their corresponding primers to be useable. It’s all good,” – Locsin

Mabilisang pag-aksyon

Kaagad naman na ipinaalam ni Locsin kay Department of Health (DOH) Secretary, Francisco Duque III ang natanggap na mensahe at siniguro ng DOH na ialarma ang Bureau of Customs (BOC) sa pagdating ng mga medical supplies upang mabilis na maipakalat.

“I am asked to please alert Customs to let donation through pronto – and the rest of the bureaucracy not to throw a monkey wrench,”

Inaasahan ang pagdating ng mga medical supplies sa Manila ngayon darating na linggo. 

High-tech fast tests kits

Matatandaan na una nang nagpadala ang ang Chinese Emabassy sa Pilipinas at ang China Mammoth Foundation ng 2,000 “fast test kits” noon Lunes. Ang high-tech fast test kits ang isa sa naging katuwang ng China sa pakikipaglaban sa COVID-19.  Malaking tulong ito upang mabilis na makumpirma kung positibo sa COVID-19 ang isang tao sa loob lamang ng tatlong oras.

China, Magbibigay Ng Libo-Libong PPEs, Test Kits, At Masks  3

Salamat China

Nagparating naman ng pasasalamat ang mga netizen sa China dahil sa balitang ito. Umaasa naman sila na makarating ng maayos sa mga ospital at magamit ng tama ang mga ito lalo na’t malaki umano ang kakulangan natin sa mga medical supplies at lalo pang dumarami pa ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: