Press "Enter" to skip to content

China Roces Nagsumbong Na Kay Tulfo, Idol Raffy Humanga Kay Tim Sawyer

Umabot na ang issue ng hiwalayan ng sikat na YouTuber couple na si China Roces at Tim Sawyer sa programa ni Raffy Tulfo. Sa huli, napahanga ni Tim Sawyer si idol Raffy dahil sa pagiging gentleman nito.

Awayang China at Tim

Matatandaan na nagtrending ang mag live-in partner na si Tim at China ng i-live ni China sa Facebook ang pagtatalo nila ni Tim. Ayon kay China, iiwan na sila ni Tim dahil nakahanap na naman ito ng bagong babae at bumili na ng ibang bahay ng di niya nalalaman.

China Roces Nagsumbong Na Kay Tulfo, Idol Raffy Humanga Kay Tim Sawyer 2

Dagdag pa niya, ni hindi man lang siya binibigyan sa kita ng kanilang mga video kahit pa milyon milyon ang kinikita nito. Sumbat pa ni China, siya ang bumuhay at tumulong kay Tim noong panahon na walang wala ito subalit nagawa pa rin siya nitong traydurin.

China nagsumbong kay Tulfo

Dahil sa lala ng away ng dalawa, dumulog na si China sa tanggapan ni Raffy Tulfo. Ikinwento nito ang lahat ng ginawa ni Tim na kanyang kinakasama ng loob. Subalit dahil sa mataas na emosyon ni China ay medyo naguluhan si Idol Raffy sa nais talagang mangyari ni China.

China Roces Nagsumbong Na Kay Tulfo, Idol Raffy Humanga Kay Tim Sawyer 3

Noong una ay P100,000 lang ang hinihingi ni China subalit hindi ito binigay ni Tim. Umabot ang areglo ng 40 porsyento ng kabuuang kita nila ni Tim ang hinihingi ni China. Sa huli, 50 porsyento na ang pinal na gusto nitong hingin.

Bungangera si China

Magulo din ang naging takbo ng usap dahil kahit pinapatigil na ni Idol Raffy sa pagsasalita si China ay tuloy pa rin ito sa pagdaldal. Nang si Tim na ang pinagsasalita ni Idol Raffy ay hindi ito matapos sa pagsasalita dahil na rin sa pagsabat at pagdaldal ni China.

China Roces Nagsumbong Na Kay Tulfo, Idol Raffy Humanga Kay Tim Sawyer 4

Ayon kay idol Raffy, patalon-talon ang nagiging usapan dahil sa pabago bago ng mga sinasabi ni China. Nais din niya kasuhan si Tim ng child abuse subalit wala naman basehan ito. Sa tuwing sasabat si China sa pagsasalita ni Tim ay pinagbibigyan ito palagi ng huli. Kahit pa masasakit na salita ang binibitawan ni China ay “baby” pa rin ang tawag ni Tim dito.

Humanga si Tulfo kay Tim Sawyer

Sa huli, nagpayo si idol Raffy na gawing 50-50 nalang ang hatian nilang dalawa dahil pareho silang may karapatan sa kita. Hindi naman maiwasan ni idol Raffy na hangaan ang pagiging gentleman ni Tim kay China.

China Roces Nagsumbong Na Kay Tulfo, Idol Raffy Humanga Kay Tim Sawyer 5

Ayon kay Idol Raffy, ibang iba ito sa mga lalaking napupunta sa programa dahil sa mga reklamo. Ipinakita ni Tim na kahit magkaaway sila ni China ay pinahahalagahan pa rin niya ito. Ito ay dahil sa pagpapaubaya niya sa tuwing puputulin ni China ang kanyang pagsasalita at pagiging mahinahon nito sa buong durasyon ng pag-uusap.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: