Press "Enter" to skip to content

Chinese Na Nanghablot Ng Pera Ng Rider Todo Tanggi Kay Idol Raffy

Matapos maireklamo ang chinese na nanghablot ng pera ng kanyang nakabanggaang rider ay nagsagawa ng imbestigasyon si idol raffy sa panig ng chinese kung saan ito ay todo ang pag tanggi sa mga paratang na kitang-kita sa nag viral nitong video.

Ang paratang

Ayon sa imbestigasyon ng programa sa chinese na si Jp Qui ay sinabi nito na hindi totoo ang paratang sa kanya ng nasabing rider na si Haime Cabilao. Sa katunayan ikniwento pa nito ang nangyari ng araw na iyon at sinabing habang ito ay bumabyahe sa kahabaan ng Parañaque ay nagulat diumano ito ng biglang nakarinig ng tunog ng pag gasgas sa kanyang sasakyan.

Ang Paratang- Viral Video
Photo Credit: Youtube

Nang tignan nya ito sa kanyang side mirror ay nakita nito ang nakamotorsiklong rider na si Haime na hindi huminto kaya napag isipan nito na baka i-hit and run ng rider ang danyos sa pagkakasagi.

Ang itinatanggi

Sinabi pa ng chinese kay idol na kusa di umanong ibinigay ni Haime ang pera dito na nagkakahala ng 2,500 piso at mariing sinabi na hindi niya ito hinablot gaya ng paratang nito. Ayon pa dito ay handa naman di umano nitong ibalik ang pera na kung ano ang halaga at serial code nito noong ito ay ibigay sa kanya.

Ang Itinatanggi- Viral Video
Photo Credit: Youtube

Sa kabilang banda humingi naman ito ng pasensya sa rider sa kanyang ginawa na hindi idinaan sa maayos na proseso ang pangyayari. Nag-offer din ito na magbigay ng pinansyal na tulong sa pangangailangan na gamot ng asawa ng rider.

Ang kaso

Samantala kahit todo ang tanggi at paghingi ng sorry ay desidido pa din ang rider na masampahan ito ng anumang kaso na naayon dito at nais nito na mabigyan ito ng leksyon sa ginawa nitong pamumwersa sa kanya.

Ang Kaso- Viral Video

Ayon naman kay idol Raffy sinabi nito na si Jp ay maaring sampahan ng rider ng kasong roberry dahil sa kanyang sapilitang pagkuha ng pera. Sinabi din ni idol na dapat di umano ay naisip na ng chinese noong una na idaan sa maayos na proseso ang nangyari upang hindi na umabot sa mas malala ang naging sitwasyon.

Narito ang nasabing panayam

Para sa mga susunod na pangyayari at update bisitahin ang Pinasbalita.org

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: