Press "Enter" to skip to content

Chinese National, Nagwala At Binalibag Ang Mga Clamp Sa Manila Central Impounding

Isang Chinese national ang nagwala at pinagbabalibag ang dalawang unit ng clamp ng Central Imponding sa Maynila. Ito ay matapos mahuli ito bunsod ng ilang paglabag sa batas trapiko.

Naghuramentado

Sabado ng hapon, Nobyembre 7 nang magwala ang isang Chinese national sa Central Impounding sa Maynila dahil sa pagkakahuli rito bunsod ng traffic violation. Hinuli ito ng isang MTPB officer dahil sa paglabag na “passing through red light,” wala itong lisensya, at wala din maipakita na OR/CR ng sasakyan.

Chinese National, Nagwala At Binalibag Ang Mga Clamp Sa Manila Central Impounding 2

Dinala sila ng apprehending officer sa impound area at doon na nagwala ang Intsik. Binalibag nito ang clamp sa mismong sasakyan na minamaneho nito na isang Ford Explorer. Dalawang unit ng clamp ang binalibag nito na kung saan ay nasira ang mga nasabing unit.

Blackmail

Isang buntis at asawa nito na syang nagtutubos ng sasakyan sa impound area ang halos natamaan ng binalibag na clamp. Ganunpaman, minabuti ng mag-asawa na hindi na lamang magsampa ng reklamo. Nang makausap ng isang pulis ang Intsik, sinabi nito na binablackmail ito kaya ito nagagalit. Sa kabilang banda, ang asawa nito ang mariing nakikipagusap sa mga namamahal sa Central Impounding at mga pulis.

Chinese National, Nagwala At Binalibag Ang Mga Clamp Sa Manila Central Impounding 3

Kasong kahaharapin

Ayon sa imbestigador, maaaring maharap sa public scandal at damage to government property ang Intsik. Liban pa ito sa traffic violation na nilabag.

Danyos

Matapos iturn over ang susi at sasakyan sa Central Impounding, dinala sa pinakamalapit na police station ang mga representante ng dalawang partido na kung saan ay nagkaayos na magbayad ng danyos ang mga ito. Bawat clamp ay ipapagawa sa halagang 5k.

Chinese National, Nagwala At Binalibag Ang Mga Clamp Sa Manila Central Impounding 4

Masyadong malambot

Nagbigay naman ng maaanghang na komento angga netizens ukol sa nangyaring pagkakahuli sa Chinese national at sa paghawak ng mga otoridad ng kaso. Anila ay masyadong malambot at mabait ang mga ito sa nagwawalang Intsik. Anila, kung kapwa Pilipino ay baka diretso sa kulungan ang tungo nito.

Chinese National, Nagwala At Binalibag Ang Mga Clamp Sa Manila Central Impounding 5

Source: Rimerctv Channel

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: