Press "Enter" to skip to content

Chismosong SG, Keith Talens, At Mang Jun, Face-off Sa Programa Ni Idol Raffy!

Nagkaharap na sa programa ni Idol Raffy ang kontrobersyal na away sa gitna ng Youtube vlogger na si Keith Talens, dating driver nito na si Mang Jun, at diumano ang tsismosong guard sa subdivision na tinitirhan ni Talens.

Face-off

Matapos ang pagpapalabas ng ilang episodes ng paghaharap nina Mang Jun o Filemon Koh III at security guard na si Harold ay humarap na nga si Keith Talens upang ihayag ang bersyon nito ng kwento ukol sa isyung kinasasangkutan.

Chismosong SG, Keith Talens, At Mang Jun, Face-off Sa Programa Ni Idol Raffy! 1

Iginiit nito ang sinasabing ito ang mastermind sa pagbanat ni Mang Jun kay Harold. Dagdag pa nito ay isang admin ang nakakuha ng video nito at wala ito umanong iniutos kay Mang Jun na banatan ang diumanong guard na nagpakalat ng ilang isyu ukol sa Youtube vlogger.

Dagdag pa nito, iginiit nito na nagpapasahod ito ng tama kay Mang Jun na sya namang pinamalian ng huli na syang nagrereklamo ukol sa mga benepisyo nito bilang empleyado nito.

Dagdag pa rito ang silver button na syang nais na makuha ni Mang Jun mula kay Talens.

Mainit na diskusyon

Naging mainit ang sagutan sa gitna nina Mang Jun at Talens na kung saan ay naringgan ang huli na nakapagbitaw ng masamang salita. Nagtakda si Idol Raffy ng lie detector test para sa tatlo na syang sinang-ayunan ng lahat ng partido.

Chismosong SG, Keith Talens, At Mang Jun, Face-off Sa Programa Ni Idol Raffy! 2

Nang hilingin naman ni Idol Raffy ang magkaayos ang lahat, ibinahagi ni Talens na nagsampa na ito ng iilang kaso laban kay Mang Jun.

Liban pa sa cyber libel na ikakaso kay Mang Jun, giit ni Talens ang sensitibong isyu na kung saan ay may nagpadala umano sakanya ng palitan ng mensahe ng isang FB user at Mang Jun na kung saan ay sensitibo ang usapan patungkol sa karelasyon ni Talens na si Vena at anak nito na si Kiyomi.

Hirit ni Talens, isang dummy account lamang umano ang nagpadala sa kanya ng conversation.

Ayon naman kay Mang Jun, marami syang poser ngayon sa social media. Sa puntong ito ay kailangan ng eksperto upang malaman kung totoo ba ang mga palitan ng mensahe na ito o gawa gawa lamang.

Pera ang ugat ng isyu

Hati naman ang mga netizens sa kung sino ba ang tunay na nagsasabi ng totoo o kasinungalian. May mga nagpabatid ng suporta kina Keith at ang iba naman ay nagpabatid ng paniniwala kay Mang Jun.

Chismosong SG, Keith Talens, At Mang Jun, Face-off Sa Programa Ni Idol Raffy! 3

Ganunpaman, bilang pera at tsismis ang ugat ng isyu na ito, hiling ng marami na matapos sa magandang ending ang isyu na ito.

Source: Raffy Tulfo In Action, Part 3 and Part 4

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: