Press "Enter" to skip to content

CHR Nagbabala sa DOTR Ukol Sa Pagbabawal Ng Mga Senior Citizens Na Sumakay Sa Mga Tren

Manila – Hinimok ng Commission on Human Rights (CHR) noong Martes na nararapat lamang na alisin na ng Department of Transportation (DOTr) ang pagbabawal sa mga senior citizens na sumakay sa mga pampublikong tren, tulad ng MRT, LRT at PNR.

Babala

Tinawag ni CHR Focal Commisioner on Ageing and the Human Rights of Older Persons Karen Gomez-Dupin na isang diskriminasyon ang nasabing pagtanggi sa mga senior citizen ng mga essential services tulad ng transportasyon.

CHR Nagbabala sa DOTR Ukol Sa Pagbabawal Ng Mga Senior Citizens Na Sumakay Sa Mga Tren 2
ABS-CBN News

Dagdag pa niya, ito ay hindi akma sa totoong polisiya ng general community quarantine na pinapayagan ang mga nakakatanda na makalabas na kanilang tahanan kung ito ay para sa trabaho and essential services.

Ugat

Ang naturang pahayag ng CHR ay bunsod ng report mula sa ABS-CBN hinggil sa isang senior citizen na naglakad ng isa at kalahating oras patungong MRT 3 North Avenue Station, ngunit hindi pinasakay kinalaunan.

CHR Nagbabala sa DOTR Ukol Sa Pagbabawal Ng Mga Senior Citizens Na Sumakay Sa Mga Tren 3
Twitter

Ayon sa balita, si nanay Felicia Osiana, 67 na taong gulang, ay tinugunan ng MRT medical team makaraang halos mawalan na ito ng malay dahil sa kapaguran. Ninais umano ng matanda na pumunta ng San Juan upang makuha ang pensiyon ng asawa na ipambibili ng kaniyang maintenance na gamot. Kinalaunan, hinatid siya sa kaniyang tahanan ng Inter-Agency Council for Traffic (IACT).

Suliranin sa Transportasyon

Magmula ng nabago sa generial community quarantine ang Metro Manila mula enhanced community quarantine, marami ng mananakay ang ninanais na makabalik sa trabaho ngunit doble hirap dahil walang masakyan.

CHR Nagbabala sa DOTR Ukol Sa Pagbabawal Ng Mga Senior Citizens Na Sumakay Sa Mga Tren 4
Tribune

Hanggang ngayon, pili lamang ang ruta ng bus sa EDSA, at mahigpit pa ring pinagbabawal ang mga jeep at UV Express na maari sanang maging daan upang makapunta sila sa kani-kanilang mga trabaho. Mayroon mang libreng sakay ang pamahalaan, sadyang hindi ito sapat sa bilang ng mga pasaherong ninanais ng kumite upang makaahon sa dagok na naiwan ng enhanced community quarantine.

Source: PhilStar

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: