Nang lumabas ang mga creepy at weird post ni Clint Bondad sa kanyang Instagram account, hindi makukubli sa mga netizen ang mga tanong sa isip kung ano ang dahilan sa likod ng mga ito.
Ang nakakakilabot na post
Matapos ang kapansin-pansing post ni Clint Bondad sa IG nitong nakalipas na buwan, nagbahagi uli siya nito lamang nakalipas na araw ng litrato ng isang imahe ng tao na kung saan ito ay tila ulo ng hayop na may sungay.
Hindi maiwasan isipin ng marami na mala-kulto ang larawan lalo pa’t mayroong mga kandila na nakapalibot sa nasabing image

Caption ni Clint: “What sin do I bring 4 U
“If not eXcitment
“No one likes 2 resist curiosity.”

Ang post niyang ito ay tila walang malinaw na paliwanag sa kung ano ang pinaghuhugutan.
Sagutan ng model-actor at netizens
Dahil dito, tila tumaas ang balahibo ng mga netizen nang makita ang kakaiba at nakakatakot na post ni Clint.
Tanong ng isang netizen, “Do not follow the demons, do you think that hell is cool?”
Sagot naman ni Clint na animo’y parang wala lang sa kanya: “cool? No.”
Tanong naman ng isang netizen, “What is that @clintbondad so weird.”

Sagot naman ni Clint na tila hindi akma ang sagot, “yes. I have tits” at “they jiggle.”
Sabi pa ng isang naintrigang netizen, “perfect example” daw si Clint ng isang “anti-Christ.”
Anila, sana ay magkaroon na ng kapayapaan si Clint at lisanin na ang dilim na tila kanyang pinamamalagian.
Sagot naman ng model actor, “perfection is my curse” at siya aniya ay “just an actor.”

Panalangin para kay Clint
Kung ang iba ay mga tanong at batikos, ang iba nama’y pinayuhan na lamang siya na magdasal sapagkat mali ang daan na kanyang tinatahak.
Ang iba ay nag-iwan pa ng Bible verse, ngunit ang tugon lang ng model-actor dito: “only words.”

Isang paalala naman ng isang netizen, “Why don’t you seek God instead of posting like that? God loves you sir clint.”
Hirit ni Clint, “who said I don’t?”

Ani ng isang tagasuporta, lagi niya isinasama sa dasal ang kalagayan ni Clint.
“God NEVER Gives up on you. So why are you giving up yourself?…you’ll always be in my Prayers. Miracles do happen. #PowerOfprayer.”
Ngunit, ani Clint, “I obey only the body.”

Mensahe ng isa pang tagasuporta ni Clint,
“Don’t go to the dark, life is better when you seek for the light. I’m praying for you,”
Malalim na pahayag ng binata, “within dark there is no light.”

Sa isang netizen na nagsabing “creepy” ang kanyang post, nilinaw ni Clint na hindi naman daw niya pinapayong sambahin ang imaheng ibinahagi niya.
Aniya, “just don’t pray on it and you will be fine.”

Move-on na raw
“Sometimes our enemy is our pride.” Ito ang mensaheng iniwan ng isang netizen, pagsang-ayong sabi ni Clint, “but that’s my sin.”
Na-intriga rin ang iba pang netizen kung kaya bang pakalmahin ng pagpo-post ang kanyang kalooban.

Tanong pa kay Clint, “Or is it easier to be angry?”
Sagot naman ng binata, “hmmm I am actually always peaceful.”
May nagtanong rin kung baka kailangan lang niya na magpatingin sa isang ispesyalista para matulungan siya sa kanyang problema.

Tinawanan lang ito ni Clint at sinabihan na “love u” ang nasabing concerned netizen.
“Move on.” Pasimpleng comment naman ng isa pang netizen at ang sagot ni Clint, “2 u? Haha u make me laugh.”
Source: PEP
Be First to Comment