Press "Enter" to skip to content

Comet Neowise, Kelan Nga Ba Natin Masisilayan?

Ngayong linggo masisilayan na naten ang pag daan ng bagong diskubreng kometa dito sa Pilipinas. Pagkakataon na di natin dapat palampasin.

Pag dating ng Kometa

Ayon sa PAG-ASA, masisilayan ang Comet Neowise mula July 17 hanggang July 19, 2020. Makikita ito saan mang panig ng Pilipinas, maging sa ilang bahagi ng mundo. Tunay na pambihira ang kometang Neowiese sapagkat bago pa naten ito makita ay dadaan pa ulit ang 6,800 taon dahil sa lawak ng orbit nito sa araw. Makikita ito sa bahaging western horizon, kung saan lumulubog ang araw.

Comet Neowise, Kelan Nga Ba Natin Masisilayan? 2
Photo Credit: NASA

Iminumungkahi ng  PAG-ASA na kung nais itong makita ay humanap ng pwesto kung saan walang ulap ang kalangitan,upang mas madaling makita. Tumingin sa kalangitan isang oras bago sumikat ang araw o isang oras pagkatapos lumabog ang araw. Tunay na nakamamangha ang masaksihan ang ganitong pagkakataon.

Pinagmulan ng kometa

Ang Comet Neowise ay nagsimulang lumapit sa mundo noong July 3 ngayong taon. Natuklasan naman ito ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) noong March 27, ngayon ding taon. Ang pangalang NEOWISE ay kinuha mula sa space explorer na tumulong makadiskubre dito, ito ay ang Near-Earth Object Wide-Field Infrared Survey Explorer na may opisyal na pangalan na Comet C/2020 F3 NEOWISE.

Comet Neowise, Kelan Nga Ba Natin Masisilayan? 3
Photo Credit: NASA

Nakuhanan  ito ng litrato ni Professor Angelito Sing nito lamang July 08. “Once in our lifetime” umano ang pagdaan ng kometang Neowise dahil sa tagal ng pag ikot nito sa araw. Pag dating ng kalaghatian ng buwan ng Agosto ay paunti unti na rin itong mawawala at di na masisilayan pa. Kaya’t huwag na nating palampasin pa ang pagkakataong minsan lang mangyare sa ating mundo.

Comet Neowise, Kelan Nga Ba Natin Masisilayan? 4
Photo Credit: Screen Shot from video GMA NEWS

Ayon sa NASA “ marami tayong matutunan sa mga kometa lalo na ang tungkol sa evolution ng ating mundo” . Makikita ang kometang Neowise d sa iba’t ibang panig ng mundo tulad ng Japan,France, Canada at Amerika. Masisilayan din umano ang kometa kahit hindi gumamit ng telescope o binoculars.

Source: GMA NEWS

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: