Press "Enter" to skip to content

Commission On Human Rights May Paalala Sa Pangulo Hinggil Sa Pagkaka Aresto Ng Mga Nagbabanta Sa Kanyang Buhay

Pinaalalahan ng Commission on Human Rights ang administrasyon na kahit nasa estado ngayon na national health emergency ang bansa, hindi pa rin nawawala ang karapatan ng publiko ng maglabas ng hinaing.

Human rights violation

Ang paalalang ito ay patungkol sa kabi-kabilaang pagkaka aresto sa mga netizen na nagbabanta sa buhay ng Pangulong Duterte. Ayon sa CHR, ang sigasig ng mga ahensya ng gobyerno na tumutugis sa mga nagbabantang ito ay sana ay umabot sa iba pang mga kaso ng human rights violation.

Kung tutuusin, napakarami pang kaso umano ng pang-aabuso na dapat nilang pagtuunan ng pansin. Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline de Guia:

“We hope that our law enforcement’s recent vigilance against threats against life translates to other aspects of governance, as there are also other reports of human rights violations and abuses that need to be addressed,”

Inciting to sedition

Matatandaan ng nitong mga nakaraang linggo, sunod sunod ang pagkaka aresto ng mga taong nagbabanta sa buhay ni Pangulong Duterte. Ang mga naaresto ay sina Ronald Quiboyen, 40 taong gulang at si Maria Catherine Ceron, 26 taong gulang.

Naaresto si Quiboyen na isang construction worker sa kanyang tinutuluyang boarding house sa Barangay Yapak sa isla ng Boracay noong Martes ng gabi. Nahaharap sila sa kasong inciting to sedition na may kinalaman sa Cybercrime Prevention Act.

P50 milyon na pabuya

Ang dalawang suspek kasi, nagpost sa social na media na handa umano silang magbigay ng malaking pabuya sa sino man ang makakapatay sa Pangulo. Ayon pa kay Ceron, mayroon siyang mga kasama at may boss sila na siyang handang magbayad ng pabuya.

Commission On Human Rights May Paalala Sa Pangulo Hinggil Sa Pagkaka Aresto Ng Mga Nagbabanta Sa Kanyang Buhay 2

Isang nagngangalang Ronnel Mas din ang hinuli ng National Bureau of Investigation o NBI noong Mayo 5, dahil sa pag tweet nito ng pabuyang P50 million sa kung sinong makakapatay sa Pangulo.

Si Mas ay isang guro sa Taltal National High School at nakatira sa Masinloc, Zambales. Tulad nina Quiboyen at Ceron, nahaharap din si Mas sa kasong inciting to sedition.

Source: Inquirer.Net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: