Press "Enter" to skip to content

Construction Worker, Naglakad Mula Cavite Papuntang Makati Makapasok Lang Sa Trabaho

Isang lalaki ang naglakad mula Cavite papuntang Makati dahil walang masakyan sa pagbubukas ng General Community Quarantine sa Metro Manila.

Malayong lakarin

Bagaman halos lahat ay balik trabaho na nang isailalim sa GCQ ang Metro Manila, marami pa din nai-stranded dahil sa limitado lamang ang transportasyon. Sa libo-libong mga nagtatrabaho at stranded workers ay isa si Leonel Antones sa mga higit na apektado ng GCQ.

Construction Worker, Naglakad Mula Cavite Papuntang Makati Makapasok Lang Sa Trabaho 2

Ang 36-taong gulang na construction worker ay naglakad mula Cavite papunta sa Makati makapasok lamang ito sa kanyang pinagtatrabahuan. Hating-gabi pa lamang ay sinimulan na nito ang paglalakad para pagka-kinaumagahan ay makarating sa paroroonan.

Rapid test

Ayon sa interview kay Antones ng GMA Unang Balita, alas-dose pa lamang ng madaling araw ay nagsimula na itong maglakad. Nakapanayam ito ng GMA News, dalawang oras na ang nakalilipas nang ito ay magsimulang maglakad. Ang lalaki ay taga-Bacoor Cavite.

Construction Worker, Naglakad Mula Cavite Papuntang Makati Makapasok Lang Sa Trabaho 3

Ayon rito, nakatakda itong sumailalim sa Covid-19 rapid test bago ito opisyal na makabalik sa trabaho sa Martes ng umaga.

Bawal angkas

At dahil bawal ang angkas na sya din na tinitingnan na madaling mode of transportation para sa marami, pinili na lamang ni Antones na maglakad papuntang trabaho.

Construction Worker, Naglakad Mula Cavite Papuntang Makati Makapasok Lang Sa Trabaho 4

“Magpapahatid sana ako kaya lang bawal ang angkas kaya naglakad na lang ako,”

Nang tanungin kung nababahala ba ito na baka salubungin ito ng panganib sakaling dumaan sa mga maliit o madilim na daan, tila hindi ito alintana ng lalaki sa kanyang sagot. Aniya, wala naman umanong mahalagang bagay na makukuha sakanya.

Pag-isipang mabuti

Hangad lang ni Leonel, sana daw pinag-isipang mabuti ng gobyerno ang sistema ng transportasyon bago isinailalim ang Metro Manila sa GCQ na kung saan ay pinayagan nang magbukas ang ekonomiya, negosyo, at trabaho para sa lahat. Hinaing nito,

“Kawawa naman yung mga taong nahihirapang maglakad sa kagustuhan na makapasok sa trabaho”

Source: Balitambayan

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: