Press "Enter" to skip to content

Container Van Ginamit Sa Karagdagang Isolation Facility Ng San Juan!

Isang container van ang ginawang karagdagang isolation facility ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng San Juan para sa mga pasyente na may COVID-19. Ayon sa Mayor ng lungsod ay may 50% capacity diumano ang kanilang mga isolation facility.

Ang container van

Sa video na kuha ni Bernadette Reyes ay ipinakita nito ang mga container van na binuksan ng lokal na pamahalaan ng San Juan ngayong araw July, 15 upang gamitin bilang karagdagang quarantine facility. Ang container van ay mayroon diumanong 50% na kapasidad at ang karagdagang pasilidad ay inilaan ng pamahalaan ng San Juan para sa mga pasyenteng magpopositibo sa COVID-19 ng nasabing lungsod.

Container Van- Isolation
Photo Credit: Facebook

Ang isolation facility na ito ay fully air-conditioned at may ilan ding gamit ng pang hospital gaya ng oxygen tank.

Pag-discourage ng home quarantine

Nauna ng sinabi ng Inter-Agency Task Force na dini-discourage nito ang pag home quarantine ng may mga mild at asymptomatic ng COVID-19 dahil sa lubhang panganib na dala nito. Kaya naman ang lokal na pamahalaan ng lungsod ay ine-encourage naman nila ang kanilang mga COVID-19 patient na magpunta na lamang at lumipat na sa nasabing isolation facility kaysa mag risk sa pag home quarantine.

Home Quarantine- Isolation
Photo Credit: Facebook

Ito ay upang maiwasan din ang posibleng hawahan ng sakit sa mga kasama sa bahay.

Iba pang serbisyo

Samantala, sinabi ni San Juan City Mayor Zamora na ang nasabing mga container van ay madali lamang i-assemble kaya naman kung sakali man diumano na mapuno na ang kanilang hospital ay madali na lamang umano ilipat ang mga pasyente sa nasabing van. Ang container van ay itinayo ng EEI na isang construction company na isa sa tumutulong sa nasabing lungsod.

Iba Pang Serbisyo- Isolation
Photo Credit: Facebook

Dagdag pa ng Mayor sa kanilang serbisyong ibinibigay sa mga pasyente ng lungsod ay libreng pagkain, walang bayad sa hospital confinement at may makukuha pang 3,000 pesos kasama ang financial assistant para sa pamilya at libreng wifi.

Narito ang nasabing video

container van ginawang isolation / quarantine facility ng san juan para sa dagdag na kapasidad sa mga covid19 patientsplease like this page and follow me on instagram for more news update link here https://www.instagram.com/bernadettereyes

Posted by Bernadette Reyes on Tuesday, July 14, 2020

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: