Press "Enter" to skip to content

‘COVID-19 Muna Bago Death Penalty’, Patutsada Ni Rep Nograles Sa Mga Solon

Manila, Philippines – Iminungkahi ni Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles sa mga kasamahang mambabatas na unahin muna ang ukol sa pandemya bago harapin ang ukol sa panukalang ibalik ang parusang bitay.

Patutsada

Giit ng kongresista na maraming kulungan sa bansa na kalat na ang COVID-19 na aniya’y mas naka-aalarma kaysa talakayin ang ukol sa death penalty.

'COVID-19 Muna Bago Death Penalty', Patutsada Ni Rep Nograles Sa Mga Solon 2
Photo Credit: Rappler

Paglilinaw pa ni Nograles, Vice Chairman ng House Committee on Justice na suportado niya ang pagbabalik ng parusang bitay sa karumal-dumal na krimen, subalit makabubuti aniyang paglaanan ng panahon ng Kongreso ang mga isyung may kinalaman sa pandemya at kung paano maaampat ang pagkalat nito.

Ani niya,

“Hindi naman sikreto na suportado natin ang death penalty for heinous crimes. But I think if we are going to talk about justice, pag-usapan na muna natin kung paano maiibsan ang pagkalat ng COVID-19 sa ating mga kulungan.”

Prayoridad

Giit pa ng mambabatas na mas mabuting talakayin ang pagbabalik sa parusang bitay kapag kontrolado na ng gobyerno ang krisis sa kalusugan.

Sambit nito,

“Let’s not feed the flames of indignation of our people who think that our focus lies elsewhere than helping them survive.”

'COVID-19 Muna Bago Death Penalty', Patutsada Ni Rep Nograles Sa Mga Solon 3

Nananawagan si Nograles sa gobyerno na palayain ang mga tinatawag na “low-risk and vulnerable persons” sa mga kulungan upang hindi na mahawahan pa ng COVID-19

Kasalukuyang estado

Ang Pilipinas ay may pinakamataas na nagsisiksikan na kulungan sa bansa kung saan ang congestion rate ay nasa 534 porsyento.

Dagdag niya,

“Sana sa ngayon, bunuin muna natin ang lakas at isip natin sa pag-ligtas ng mga buhay. Kahit ang mga preso natin, may karapatang mabuhay.”

'COVID-19 Muna Bago Death Penalty', Patutsada Ni Rep Nograles Sa Mga Solon 4

Matatandaan na naunang ipinahayag ng Department of Interior and Local Government na nasa 22,000 na bilanggo na ang napalaya sa may 470 na kulungan sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology.

Umaasa naman si Nograles na marami pang sumunod upang matiyak ang kaligtasan hindi lamang ng mga preso kungdi maging ng mga jail personnel.

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: