Press "Enter" to skip to content

Covid-19 Test Mandatory Na Sa Lahat Ng Mga Empleyado!

Manila, Philippines- Ikinagulat ng ilang hanay ng mag employer ang inilabas na memorandum mula sa Department of Labor and Employment DOLE at DTI na gawin ng mandatory ang RT-PCR test ng COVID-19 para sa mga empleyado.

Ang memorandum

Ang nasabing mandatory RT-PCR testing para sa mga empleyado sa ilang mga sektor ay inilabas sa pamamagitan ng Joint Memorandum Circular No. 20-04 ng DOLE at Department of Trade and Industry na kaugnay sa Supplemental Guidelines at upang maiwasan ang contamination at transmission ng COVID-19 sa loob ng trabaho para sa kaligtasan ng mga manggagawa.

Ang Memorandum- Guidelines
Photo Credit: Philstar

Ang anunsyong ito ay ikinagulat ng ilang hanay ng mga employer maging ni President of the Philippine Exporters Confederation Inc. Sergio Ortiz-Luis Jr. at sinabing nabigla ito na ginawang mandatory ang nasabing test gayung dati ay hindi naman inoobliga kahit ang mas murang rapid testing.

Ang mga sasailalim

Ang mga kabilang na empleyado na siyang sasailalim sa nasabing test ay ang nasa turismo, edukasyon, manufactoring industry, mga pampublikong sektor, maging ang media at ibang mga sektor. Kabilang sa guidelines na inilabas ng DOLE kung saan dapat ay tuwing kada apat na linggo ay sumialalim ang mga empleyado na nasa ‘hospitality at tourism sektor’.

Ang Mga Sasailalim- Guidelines
Photo Credit: Teleradyo

Ang iba ay kailangan naman sumailalim sa kada quarter ng taon ng RT-PCR test gaya ng obrero sa manufacturing at public service providers sa ‘economic zones’ na nasa ilalim ng Special Concern Area at ang mga nasa ‘frontline at economic priority’ o mga nagtatrabaho at may mataas na interaskyon sa publiko.

Benepisyong dapat makuha

Samantala, ang manggagawa na mag popositibo ay kailangan bigyan ito ng kaniyang kumpanya ng benepisyo gaya ng sick leave, supplemental pay allowance at medical insurance coverage habang ito ay naka-quarantine. Kabilang pa sa nasabing guidelines ang pagsusuot ng empleyado ng face masks at shields, at ilan pang mga protocols habang ito ay nasa lugar ng gawaan o trabaho.

Benepisyo Ng Manggagawa- Guidlines
Photo Credit: Teleradyo

Gayundin ay nilinaw ni Labor Secretary Silvester Bello III na ang magbabayad ng nasabing RT-PCR test ay ang Philhealth dahil miyembro naman umano nito ang mga empleyado.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: Philippine Star

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: