Press "Enter" to skip to content

COVID-19 Testing Kits Sa Pinas, Nagkakaubusan Na Nga Ba?

Hindi lamang mga facial masks at alcohol ang nagkakaubusan kundi pati COVID-19 testing kits. Iyan ang natuklasan ng mga senador sa isinagawang imbestigasyon ngayong umaga sa Senado.

Kulang

Nagpahayag ng pagkabahala ang mga senador dahil sa tinatayang kakulangan ng COVID-19 testing kits para maprotektahan ang bansa sa banta ng virus. Ayon kay Dr. Rosanna Ditangco ng Research Institute on Tropical Medicine sa senate inquiry ngayong araw,

“As we speak today, our stock on hand is good for 2,000 tests,”

Dr. Rosanna Ditangco

Dagdag na pondo

Dagdag pa nito, nais na magrequest ng RITM ng karagdagang P43 million na pondo para matugunan ang mga kakailanganin sa pagsugpo sa COVID at kabilang na rin dito ang para sa procurement ng mga testing kits.

Ayon naman sa isang opisyal ng Department of Health, may inaasahang parating na mga equipment mula sa World Health Organization.

“There’s an incoming 4,500 extraction kits po from WHO. That would be good for 2,000 individuals,”

Dr. Alethea De Guzman

Nakakabahala

Nagpahayag naman ng labis na pagkabahala si Senator Nancy Binay dahil sa lubos na kakulangan ng testing kits sa gitna ng laban sa COVID-19,

“I don’t want to panic but you’re making me panic. ‘Yung naririnig namin ngayon is parang hindi niyo pinaghandaan na magkakaroon tayo ng local transmission na mismong si Secretary Duque na ang nagsabi before na it’s just a question of when and then maririnig namin sa inyo na we only have 2,000 testing kits out of our 100 million population. Hindi ba nakakatakot?”

Senator Nancy Binay

Supplemental budget

Nagpahayag din ng pagkwestyon si Senator Imee Marcos ukol sa P2 bilyon request na supplemental budget na inaprubahan ng pangulo para sa DOH kamakailan lamang. Aniya,

“Ang kanilang testing kit para sa publiko ay 2,000 pieces lamang. Hindi ka ba maloloka niyan? Pagkatapos humihinigi sila ng supplemental budget na P2 billion,”

Senator Imee Marcos

Ayon naman sa DOH Secretary, ang dalawang bilyon na supplemental budget ay inilaan para sa mga protective gears para sa mga health workers habang ang karagdagang sampung milyon ay inispend para sa pagsupply ng mga face masks sa bansa.

Source: GMA

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: