Press "Enter" to skip to content

Covid Positive Na Pasyente Sa QC, Nagawa Pang Pumila Sa Ayuda

Ang unang kaso ng covid-19 sa Barangay Escopa 4, Quezon City ay diumano pumila pa para makakuha ng ayuda bago nito malaman na positibo sya sa virus.

Positibo sa Covid

Ang unang kaso sa nasabing barangay ay isang 49-taong gulang na babae na syang nakihalubilo sa iba pang 368 na iba pang social amelioration cash beneficiaries sa kanilang barangay. Nangyari ang pagkuha ng cash subsidy noong April 25.

Covid Positive Na Pasyente Sa QC, Nagawa Pang Pumila Sa Ayuda 2

Hirap sa paghinga

Ngunit ilang araw bago ang pagkuha nito ng ayuda, April 16, nagpacheck-up ito sa kadahilanang hirap ito huminga. Kinuhaan ito ng mga health workers ng samples para sa testing. Habang hinihintay ang resulta ay pansamantalang pinauwi muna para mag-self-quarantine. Gayundin, hindi ito inadmit sa kadahilanang nagpapakita lamang ito ng mild symptoms.

Covid Positive Na Pasyente Sa QC, Nagawa Pang Pumila Sa Ayuda 3

Ngunit gabi ng April 25, ay napag-alaman nito na positibo ito sa covid-19. Ayon sa chairman ng barangay na si Laila Arcega, kinompronta nya ito at tinanong kung bakit hindi nito nireport sakanya ang ginawang pagpapa-swab test.

“Sabi ko sa kaniya, ‘Bakit di mo sinabi sa’kin na nagpa-swab test ka pala para sana na-quarantine kita hanggang sa lumabas ‘yung result mo?’”

Pagbabahagi pa nito,

“‘Di na rin daw po niya alam kung anong gagawin niya,”

Naka-Isolate na

Sumunod na araw ay pinuntahan ng City Health Office at barangay officials ang pasyente at dinala sa Lung Center of the Philippines upang i-isolate. Sa kasalukuyan ay bumubuti na umano ang kalagayan nito.

Contact tracing

Sa kabilang banda ay sinimulan na ng lokal na otoridad ang contact tracing ng pasyente. Nasa tinatayang 20 na katao mula sa kanilang barangay ang nakasalamuha nito, dalawang barangay staff, at iilan sa mga kamag-anakan nito.

Pag-iingat

Muli, pinaaalalahanan ang lahat na maging tapat sa tunay na kondisyon ng kalusugan upang hindi na makapanghamak ng iba pang kapwa. Mangibabaw sana sa marami ang pagiging concern sa bawat isa lalo na kung hangad natin ay ang kaligtasan ng ating mga pamilya.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: