Press "Enter" to skip to content

Covid Survivor, Napilitang Umalis Sa Inuupahan Dahil Sa ‘Di Mabayarang Renta

Isang single mother na covid survivor ang napilitan na lamang umalis sa kanyang tinitirhang apartment upang hindi na tuluyang makipagtalo sa kanyang landlady. Bunsod ito ng hindi makabayad ang ginang para sa dalawang buwang renta dahil sa lockdown.

Covid survivor

Ang covid survivor ay kinilalang si Mary Glen Dosal na syang may pagkakautang sa kanyang landlady na si Vicky Mariveles. Nagkakasagutan ang dalawa dahil sa hindi mabayarang upa sa apartment na tinitirhan ni Mary Glen sa Batasan, Quezon City.

Covid Survivor, Napilitang Umalis Sa Inuupahan Dahil Sa 'Di Mabayarang Renta 2

Nagkabarangayan na din ang dalawa na kung saan ay naayos ang gusot at napagkasunduan na bigyan ng palugit si Mary Glen na tumira sa unit hanggang June 15. Kaugnay din nito ay hindi na din nito kakailanganin na magbayad ng utang na P7k.

Hinaing

Sa interview ng GMA-7 sa ginang, naglabas ito ng hinanakit laban sa kanyang landlady.

Covid Survivor, Napilitang Umalis Sa Inuupahan Dahil Sa 'Di Mabayarang Renta 3

“Kung maririnig mo ‘yung sobrang sakit na pati personal na buhay ko nadadamay kasi naririnig ng anak ko e,”

Covid survivor

Nagpositibo sa covid si Mary Glen noong Marso dulot na din sa kanyang trabaho bilang freelance caregiver. Bagamat dalawang buwan na ang nakalilipas nang gumaling ito at may certificate ito na covid-free na sya, nahihirapan ang ginang na makahanap ng trabaho. Hinaing nito,

“Wala na po akong trabaho. Galing pa ako sa sakit, may tatlo pa akong anak, single mother po ako. Sa’n po ako kukuha?”

Pahayag ng landlady

Nang kapanayamin naman ang landlady na si Aling Vicky, may mga gamit daw na nasira sa unit na inuupahan ni Mary Glen. Dapat din aniya sya unawain dahil ang paupahan lamang din ang source of income nya.

“Byuda po ako… wala rin akong hanapbuhay. Unawain mo naman ‘yung may-ari kasi ‘yan din ang inaasahan ng may-ari. Wala naman ‘yang ibang pinagkakakitaan kundi ‘yan,”

Hirit pa nito, walang halong personal na isyu ang naging alitan nila ng tenant na si Mary Glen.

DTI

Ayon naman sa DTI, hindi maaaring pwersahin ang mga tenant na pagbayarin sa renta sa gitna ng umiiral na pandemic. Dapat ay bigyan anila ng 30 days ang tenant, sa oras na malift na ang quarantine sa kanilang komunidad. Ito ay upang makapaghanda ang tenant at makabalik na kumita at makabayad ng upa.

“The grace period will begin either upon the lifting of whatever community quarantine. Puwede siyang hindi pa magbayad or gamitin niya ‘yung memorandum circular on rental natin. Ang 30-day grace period will already commence at the time that she is able to work,”

Pinaalala naman ng DTI, na maaaring kumontak ang mga tenant na makakaranas ng problema parehas ng sa ginang na si Mary Glen sa kanilang customer hotline.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: