Press "Enter" to skip to content

CSC: Nagtalaga Ng 5 Alternatibong Klase Nang Pagtatrabaho Para Sa Mga Government Agencies

Manila Philipines- Nagtalaga ang Civil Services Commission (CSC) ng limang (5) alternatibong pagsa-ayos ng trabaho sa bawat ahensya ng gobyerno. Ito ay kahit pa patuloy ang krisis na pinagdadaanan dahil sa corona virus na nakasisira sa normal na gawi ng pagtatrabaho at upang makapagpatuloy sa serbisyo.

Kailan sisimulan

Magsisimula ang nasabing iba’t-ibang ayos ng pagtatrabaho ng nasabing mga ahensya sa darating na Mayo 22 ayon kay Commissioner Aileen Lizada na kanyang sinabi noong Lunes. Ito din umano ay magiging kaluwagan upang ma-adapt ang mga naging pagbabago dahil sa ang panahon ngayon ay hindi pa normal.

Kailan sisimulan-Government Agencies
Photo credits: ABSCBN

Dagdag pa nito ang mga katulad nila na kabilang sa mga nagtatrabaho sa gobyerno, ay kailangan din iadapt ang mga pagbabago ng mga kondisyon ng sitwasyon sa ating bansa.

Ang mga alternatibong ayos

Narito ang ilan sa mga arrangement para sa mga government office na aprubado ng nasabing Civil Services Commission;

Mga alternatibong ayos- Government Agencies
Photo credits: Facebook
  • Work from home- Kung saan awtorisado ang isang empleyado na mag produce ng kanyang output/results na kanyang natapos na trabaho sa labas ng opisina.
  • Skeletal work force- Kung saan ang ayos ay iilang empleyado lamang ang papasok sa bawat skedyul na magbigay serbisyo kung ang paglalagay ng maraming staff ay hindi pa kaya.
  • Four-day (compressed) workweek- Ito naman ay kung saan ang isang empleyado ay bubunuin ang kanyang mga trabaho para sa isang linggo sa loob ng (4) na araw lamang.
  • Straggered working hours- Ito ay para lamang sa mga opisina/ahensya na mayroong pagpapalitan o may flexible skedyul ng oras ng trabaho.
  • Other alternative work arrangement- Ang ayos ng trabaho na ito ay binubuo ng kombinasyon sa mga nabanggit na klase ng pagtatrabaho na angkop sa isang opisina/ahensya. Kung saan ang mga ahensyang ito ay napapailalim sa umiiral na quarantine ng komunidad at kung saan matatagpuan ang mga ito na mayroong mas madalas na likha ng gawain ang mga empleyado.

Ang hindi kabilang

Maliban sa compressed workweek, ang ganitong ayos ng pagtatrabaho ay hindi naa-ayon gamitin sa mga health and emergency services, law enforcement at iba pang may katulad ng ganitong serbisyo ayon pa din kay CSC Lizada.

Law enforcement-Government Agencies
Photo credits: Philstar

Source: ABS-CBN

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: