Press "Enter" to skip to content

CSC Sa Executives Ng Gobyerno: Bigyan Ang Mga Manggagawa Ng Transportasyon

Ang mga manggagawa ng pamahalaan na kinakailangan na mag-ulat ng pisikal para sa trabaho ay dapat bigyan sa transportasyon, lalo na sa panahon ng modified enhanced community quarantine (MECQ) at ECQ kung saan ang pampublikong transportasyon ay hindi pinapayagan.

Paalala sa mga pinuno ng ahensya

Si Civil Service Commissioner Aileen Lizada ay nagpapaalala sa mga pinuno ng mga ahensya ng gobyerno nitong Martes, Agosto 4, na nagsabing batay sa CSC Memorandum Circular 10 na inilabas noong Mayo, “ang mga transportasyon ay dapat ibigay ng ahensya sa mga empleyado na dapat mag-ulat bilang bahagi ng skeletal workforce.”

CSC Sa Executives Ng Gobyerno: Bigyan Ang Mga Manggagawa Ng Transportasyon 2
Photo Source: Rappler

Sinabi ni Lizada na ang mga pinuno ng mga ahensya ng gobyerno ay dapat paalalahanan ng memorandum na ito kung pipiliin nila ang skeletal workforce bilang alternatibong work arrangement.

Mga binagong internim guidelines

Inilista ng MC 10 ang binagong internim guidelines para sa mga alternatibong work arrangements at mga support mechanisms para sa mga manggagawa sa gobyerno sa panahon ng estado ng national emergency dahil sa coronavirus 2019 (Covid-19) disease pandemic.

Sinasabi nito na ang mga ahensya ng gobyerno ay maaaring gumamitt ng anuman o kombinasyon ng mga alternatibong work arrangement, tulad ng work from home, skeletal workforce, apat na araw na workweek, staggered na oras ng pagtatrabaho, o kombinasyon ng mga ito.

Sa skeletal workforce arrangement, “minimum na bilang ng mga empleyado ang kinakailangan sa opisina na magtrabaho kapag hindi posible ang buong kawani.”

Pagbibigay ng transportasyon

Sinabi ni Lizada na ang mga ahensya ng gobyerno na nangangailangan ng kanilang mga empleyado na mag-ulat ng pisikal para sa trabaho sa opisina ay dapat magbigay ng transportasyon.

Sabi niya,

“Now that public utility vehicles are not allowed to operate under the MECQ, heads of agencies must make sure that employees reach the office. Shuttle services using their respective vans or government vehicles may be utilized. In the absence of these, the agency may hire vans or even jeepneys subject to COA (Commission on Audit) guidelines.”

(Ngayon na ang mga pampublikong sasakyan ay hindi pinapayagan mag-operate sa ilalim ng MECQ, dapat tiyakin ng mga pinuno ng mga ahensya na ang mga empleyado ay makararating sa tanggapan. Ang mga shuttle services gamit ang kani-kanilang mga van o mga government vehicles ay maaaring magamit. Sa kawalan nito, maaaring umupa ang ahensya ng mga van o kahit mga dyip na sumasailalim sa COA (Commission on Audit) guidelines.)

CSC Sa Executives Ng Gobyerno: Bigyan Ang Mga Manggagawa Ng Transportasyon 4
Photo Source: Wikipedia

Sinabi ni Lizada na hindi na kailangan ng special permit at ang kailangan lamang ay isang kontrata sa pagitan ng ahensya ng gobyerno at ng shuttle servive provider.

Sakop ng MC 10 ang “lahat ng mga ahensya at instrumento ng gobyerno, tulad ng mga constitutional bodies, kagawaran, bureaus, at mga ahensya ng pambansang pamahalaan, government-owned or -controlled corporations (GOCC) with original charters, local government units (LGUs), at state universities and colleges (SUCs)”.

Source: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: