Davao City – Nilarawan ni Davao City Mayor, Sara Duterte-Carpio na “hindi makatao” ang mga opisyal ng Barangay San Antonio, Agdao, Davao City.
Batikos sa social media
Ito ay matapos na i-utos ng barangay na palanguyin sa maduming kanal ang mga lumabag sa curfew. Binatikos at hindi naman ikinatuwa ng maraming netizens ang natunghayan sa social media matapos kumalat ang video ng naturang insidente.

Ayon sa akalde,
“Sailalim ng Section 8 ng Omnibus Guidelines sa implementasyon ng community quarantine sa bansa pinapayagan ang mga lokal na pamahalaan na magpasa mga mga ordinasang magpapatupad ng curfew. Ito ay para sa mga hindi manggagawa sa nasasakupang lugar at patawan ng patas at makataong parusa ang mga lalabag.”
‘Hindi makatao!’
Hinala ng alkalde, baka nagalit ang mga opisyal ng barangay kaya’t nagawa ang hindi makataong pagpaparusa. Bagama’t dapat pagsabihan ang mga lumabag sa curfew, hindi talaga tama ang ipinatawa na parusa sa mga lumabag.

Tanong niya,
“Makatao ba ang pagpapalangoy ng tao sa kanal? Hindi! Dapat pinaglinis na lang sila ng kanal.”
Depensa ni Mayor sa mga violator
Ani ni Mayor, siguro kulang lang sa pag-unawa ang mga tao sa layunin ng curfew, subalit hindi tama ang ginawa ng barangay.

Sa ngayon ay ipinatawag na niya ang atensyon nang sino mang responsable sa naturang insidente.
Source: PIA Govt PH
Be First to Comment