Press "Enter" to skip to content

Cyber Security Philippines, May Paalala Sa Mga Biktima Ng Fake Facebook Accounts

Kapansin-pansin ang reklamo ng maraming netizens ngayon sa Facebook ukol sa pagkakaroon ng fake accounts, dala-dala ang kanilang pangalan. Nagsimula ito nang pumutok ang isyu ng anti-terror bill na syang hindi sinasang-ayunan ng marami.

Fake accounts

Nagbigay ng babala ang Cyber Security Philippines ukol sa pagdami ng fake accounts ng maraming netizens. Anila ay binabase umano ito ng mga ‘attackers’ ukol sa mga impormasyon na nakalagay sa Facebook ng biktima. Maaaring kombinasyon ng pangalan, reference ukol sa trabaho, o eskwelahan na pinanggalingan ang ginagamit ng mga ito. Nakasaad sa post ng CSP,

Cyber Security Philippines, May Paalala Sa Mga Biktima Ng Fake Facebook Accounts 2

“To those affected with the surge of fake accounts bearing your real names. Check when was the last time you used the combination of your name work or school?”

Mariin din nitong pinaalala ang maging mapanuri sa mga “languages” na nakadeclare sa fake accounts na syang makikita sa mga inupload nila na larawan bilang gabay.

Ireport

Nararapat din umano na ireport ang fake accounts sa National Privacy Commission upang maimbestigahan. Ayon sa panuntunan ng Facebook, ang pag-impersonate ng isang tao ay labag sa kanilang Community Standards. Hindi din ito pinapayagan ng kanilang platform.

Kaya naman kung ikaw ay biktima ng mga ‘fake accounts’ na ito, nararapat lamang na ireport at manghingi ng tulong mula sa iyong mga kaibigan na ireport ito. Pindutin sa bandang cover photo ang three-dotted icon, at ireport ang kahina-hinalang profile.

Kung ikaw naman ay magrereport ng ‘fake account’ ng isang kakilala, piliin nag Find Support or Report Profile at sundan lamang ang mga suusnod na instructions para maitawid ang impersonation report.

Legal na proseso

Ayon naman sa pamunuan ng Facebook, kung nais ng isang tao na malaman kung sino ang gumawa ng ‘fake profile’ niya, dapat ay idaan ito sa legal na proseso.

“you should first contact a lawyer or your local law enforcement agency and discuss this issue with them.”

Kasunod ng pagsasampa ng reklamo at imbestigasyon ay ang pagkakataon para sa legal officer na tumatayo para sa kliyente nito na imbestigahan ang operational guidelines ng Facebook.

“Once they contact us, we’ll be able to communicate with them regarding this issue. Please be aware that there are situations where we may be unable to retrieve the information you have requested due to technical limitations,”

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: