Press "Enter" to skip to content

Cybercrimes Tataas Ayon Sa DOJ Dulot Ng Pandemya

Sa panahon ng pandemya dulot ng COVID-19, naging laganap ang mga cybercrime o mga krimen isinasagawa sa pamamagitan ng internet. Naging talamak ang phishing, online scam at fake news ayon sa Department of Justice o DOJ.

Laganap na cybercrimes

Mula magsimula ang lockdown bumuhos ang mga reklamong natatanggap na kaso ng phishing, online scams at fake news na mas marami pa kumpara sa kaso ng online sexual abuse sa mga bata.

Ayon kay Justice Undersecretary Markk Perete ng DOJ’s anticybercrime office, ang pinaka laganap na krimen sa Pilipinas ay ang mga kasong nabanggit ayon sa talaan ng mga krimen.

Cybercrimes Tataas Ayon Sa DOJ Dulot Ng Pandemya 2
Photo Credit: Republic of the Philippines Department of Justice

Ani ni pa ni Perete

Based on law enforcement authorities’ records from March to June 2020, the top three most prevalent crimes in the Philippines were phishing, online selling scam and proliferation of misinformation that tends to cause panic among the public,

Dagdag pa ni Perete

As of the latest count, in absolute numbers there are more cases of phishing, online scams and fake news punishable under the Bayanihan law than cases of online sexual abuse of children,

Cybercrimes Tataas Ayon Sa DOJ Dulot Ng Pandemya 3
Photo Credit: GMA News Online

Sa phishing, ang mga kawatan ay nanloloko ng kanilang biktima sa pamamagitan ng emails, tawag o text messages upang makuha ang detalye o password (bank o credit card) at iba pang personal na impormasyon upang magamit sa pagnanakaw ng pera ng kanilang biktima o magamit sa ibang ilegal na transaksyon.

Ang scammers naman ay ang mga kawatan na nagpapanggap na lehitimong online seller at dahil sa lockdown nagagawa nilang maloko ang kanilang biktima na bumili ng grocery o iba pang bagay sa pamamagitan ng internet.

Cybercrimes Tataas Ayon Sa DOJ Dulot Ng Pandemya 4
Photo Credit: ABS-CBN News

Mapaparusahan ang nagkasala ng phishing at online scam sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012 (Republic Act No. 10175). Samantala mabibigyan ng parusa ang nagpapakalat ng maling impormasyon ukol sa pandemya sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act of 2020 (RA 11649)

Bayanihan to Heal as One Act of 2020

Bagamat maaga ngayong buwan napaso ang Bayanihan law, patuloy pa rin ang pagsasagawa ng pangulo ng lahat ng pamamaraan upang pangalagaan ang publiko.

Binigyan ng emergency powers ng RA 11649 si Pangulong Rodrigo Duterte upang ayusin ang pambasang budget bilang tugon sa kinahaharap na krisis sa kalusugan at paghina ng ekonomiya dulot ng pandemya.

Cybercrimes Tataas Ayon Sa DOJ Dulot Ng Pandemya 5
Photo Credit: PINOYBOXBREAK

Pinarurusahan ng Bayanihan law ang sinumang nagpapakalat ng maling impormasyon patungkol sa COVID-19 sa social media at iba pang platform na nagdudulot ng kaguluhan, takot, anarkiya o pagkalito.

At pinarurusahan din nito ang sinumang kasabwat sa anumang pagsasamantala sa publiko dulot ng krisis sa pamamagitan ng scam, phishing, mapanlinlang na email o anumang katulad nito.

Ayon sa nkapaloob sa Bayanihan law

Individuals or groups creating, perpetrating, or spreading false information regarding the COVID-19 crisis on social media and other platforms, such information having no geared to promote chaos, panic, anarchy, fear, or confusion;

and those participating in cyber incidents that make use or take advantage of the current crisis situation to prey on the public through scams, phishing, fraudulent emails, or other similar act;

Ayon sa nasabing batas, may kaparusahan na pagkakulong ng dalawang buwan o pagmumulta ng di bababa sa sampung libong piso ngunit di lalampas ng isang milyong piso.

Ayon sa nakapaloob sa Bayanihan law

SEC. 6. Penalties. – In addition to acts or omissions already penalized by existing laws, the following offences shall be punishable with imprisonment of two (2) months or fine of not less than Ten thousand pesos (P10,000.00) but not more than One million pesos (P1,000,000.00), or both, such imprisonment and fine, at the discretion of the court.

Paghahanda

Pinapayuhan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga kinauukulan upang palakasin ang kanilang hanay sa cybercrime unit dahil inaasahan ang pagtaas ng kaso ng cybercrime sa darating na panahon.

Cybercrimes Tataas Ayon Sa DOJ Dulot Ng Pandemya 7
Photo Credit: philstar global

Ani pa ni Guevarra

Where direct personal interactions are reduced, more crimes will be committed in cyberspace,

imperative that law enforcement agencies beef up their cybercrime units, upgrade their technologies and enhance their investigative capabilities.

Source: INQUIRER.NET

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: