Press "Enter" to skip to content

Cyrptic Post Ni Clint Bondad, May Kinalaman Sa Dirty Secrets Ni Sam Milby?

Manila, Philippines – Naging top trending topic sa Twitter Philippines si Clint Bondad makaraang magpost ito ng ilang cryptic messages sa Instagram story nitong Miyerkules.

Kontrobersyal na hiwalayan

Nitong taon lamang, nag break si Clint Bondad at Miss Universe 2018 Catriona Gray, kaya naman marami ang nanghinayang sa kanilang halos matagal ng pinagsamahan. Si Bondad ay parating na-iispatan noon ng mga netizens sa lahat ng pageants na sinalihan ni Gray at makikitang all-out support ito sa kaniyang dating nobya.

Cyrptic Post Ni Clint Bondad, May Kinalaman Sa Dirty Secrets Ni Sam Milby? 2

Kaya naman hindi maiwasan ng karamihan na ungkatin at subaybayan ang hiwalayan ng dalawa. Hanggang sa pumutok na nga ang balita ilang buwan lang ang nakalipas na si Gray at Sam Milby ay “officially in relationship” na. Marami ang nagpa-abot ng pagkatuwa kasama na dito ang ilang aktor at aktres na kilala ng dalawa.

Random post

Hanggang sa nitong linggo lamang ay naging mainit ang social media matapos umanong padalhan ni Bondad ng mensahe ang aktor na si Milby. Ang naturang mensahe ay may tanong kung nais nitong maging “kliyente” ng naturang model.

Cyrptic Post Ni Clint Bondad, May Kinalaman Sa Dirty Secrets Ni Sam Milby? 3
Cyrptic Post Ni Clint Bondad, May Kinalaman Sa Dirty Secrets Ni Sam Milby? 4
Cyrptic Post Ni Clint Bondad, May Kinalaman Sa Dirty Secrets Ni Sam Milby? 5
Cyrptic Post Ni Clint Bondad, May Kinalaman Sa Dirty Secrets Ni Sam Milby? 6

Ani nito,

“Become my Client, Friend”

“Your rate will increase at 5:30”

Bagamat random ang mga posts ni Bondad sa kaniyang Instagram stories, ilan sa mga ito ang naglalaman ng salitang “Sam” ngunit hindi malinaw kung ano ang tinutukoy nito.

Ilan pa sa mga nakita sa kaniyang post ang salitang,

“Don’t worry, I am just an Ex”

“P.S. I create Queens”

“I train Ninjas”

“Because I push Yiu Beyond all your Limits.”

Ngunit ang pumukaw sa atensyon ay ang salitang:

“Dating app – Church”

Kaya madami ang napaisip at nagsasabing hindi katumbas ng simabahan ang “dating app”, kung saan iniisip ng iba na tila ipinahahayag ni Bondad kung paano nagkakilala sina Milby at Gray.

Decoding the code

Dahil nga sa nag trending ito, marami sa social media world ang nag try maging nazzi at I-decode ang naturang mga post ni Bondad. Mayroon nagpahayag ng pagka bahala dahil ayon umano sa fans, isa itong ‘red flag’ ng nag babadyang suicidal ni Bondad. Meron din naman nag sabi na may kinalaman ito sa dirty secrets ni Sam at Cat.

Ngunit ang inaabangan ng karamihan ay ang pag post ni Bondad ng capsule na may nakalagay na “Yes or No”. Ito ay naging palaisipan ng karamihan at umugong ang tensyon kung ito ba ay may ipapasabog na malaking rebelasyon. Sa ngayon ang lahat ay napapaisip sa hindi malinaw na mga cryptic post ni Bondad sa kaniyang IG.

Samantala, bukod kay Bondad, trending din si Gray nitong umaga ng Byernes sa Twitter. Ano nga kaya ang katunayan sa likod ng post ni Bondad?

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: