Press "Enter" to skip to content

Da Who? May Ari Ng Isang FM Radio Station, Binuntis At Tinakot Ang Kapatid Ng Isang Sikat Na Celebrity

Isang sikat na celebrity ang nagsumbong sa programa ni Raffy Tulfo ukol umano sa may ari ng isang FM radio station na nambuntis at nanakot sa kapatid niya. Subalit biglang umatras ang celebrity sa huling sandali kung kaya hindi na inere ang kanyang reklamo.

Mapang abusong station owner

Ayon sa celebrity, ang kanyang kapatid ay isang disc jockey sa istasyon na pag mamay ari ng nakabuntis dito. Sa kabila ng pagkakaroon ng asawa ni station owner ay nagawa umano nitong patigilin sa trabaho at ibahay ang biktima.

Da Who? May Ari Ng Isang FM Radio Station, Binuntis At Tinakot Ang Kapatid Ng Isang Sikat Na Celebrity 2

Nang mabuntis ang biktima ay iniwan nalang siya bigla ni station owner. Hindi umano ito nagbibigay ng sustento at itinapon ang ito na parang basahan lang. Nagbanta umano ang biktima na isusumbong niya ito sa programa ni idol Raffy ngunit pinagbantaan siya nito.

Pagbabanta

Ayon sa banta ni station owner, sisirain niya ang biktima pati na ang buong pamilya nito. Palalabasin umano nito na ang biktima ang may kasalanan dahil pumatol ito sa kanya kahit may asawa na siya. Ayon sa celebrity, litong-lito na ang kanyang kapatid at na dedepress na ito.

Da Who? May Ari Ng Isang FM Radio Station, Binuntis At Tinakot Ang Kapatid Ng Isang Sikat Na Celebrity 3

Lumapit ang celebrity kay idol Raffy noong Sabado at ieere na sana noong Lunes ang reklamo nito ngunit sa huling sandali ay umatras ang celebrity. Natatakot umano ito para sa kaligtasan ng kanyang kapatid dahil sa pagbabanta ng station owner.

Clue

Ayon kay idol Raffy, ang pangalan ng station owner ay nagsisimula sa W habang ang apelyido ay sa letrang A naman nagsisimula. Isa sa pinaka kulelat na istasyon ang kanyang pag mamay ari. Subalit kahit ganoon ay mayaman ito dahil may ari ito ng isang yate at isang malaking kompanya.

Kung kaya naman laking pagtataka ni idol Raffy dahil sa yaman niya ay hindi man lang nito masuportahan ang kanyang nabuntis at magiging anak. Naawa si idol Raffy sa biktima at sa kapatid na celebrity dahil napaka bait nitong tao. Ang nasabing celebrity ang siyang tumutulong ngayon sa kanyang kapatid at sa buo nilang pamilya.

Hindi man na ere ang reklamo ng sikat na celebrity ngunit nagbigay babala si idol Raffy sa inerereklamong FM radio station owner. Aniya, kung hindi sana umatras si celebrity ay handa niyang labanan ang station owner hanggang sa dulo. Sisiguruhin umano niyang babagsak ito dahil sa pang aaping ginagawa niya sa biktima at pamilya nito.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: