Press "Enter" to skip to content

Daan-daang Stranded Na OFW Sa Saudi, Nanawagan Sa Pangulo

Last updated on June 9, 2020

May higit-kumulang 700 na overseas Filipino workers o OFWs na stranded pa rin sa Saudi Arabia ang humihingi ng tulong sa Pangulo ng Pilipinas, Rodrigo Roa Duterte.

Ang mga nananawagan

Ang mga stranded na OFW ay nasa Rabigh, Saudi Arabia. Sila ay mga empleyado ng kompanyang GS E&C. Ayon sa video, ang trabaho ng mga manggagawang ito ay natapos na noon pang Mayo. Sabi ng tagapagsalita na hindi nagpakilala ng sarili, 35 na araw na silang naghihintay simula nang mawalan sila ng trabaho.

Daan-daang Stranded Na OFW Sa Saudi, Nanawagan Sa Pangulo 2
Photo credit: Google Map

Ayon sa tagapagsalita sa video, sila ay kasalukuyang COVID-19-free. Natatakot sila umano na baka mapasukan sila ng bagong Coronavirus na sanhi ng COVID-19.

Hindi pinabayaan

Ang kompanyang may hawak sa mga OFW na ito, ang GS E&C, ay hindi nagpabaya sa mga manggagawa. Ibinahagi ng tagapagsalita ng video na tinutulungan sila ng kanilang kompanya. Binibigyan sila ng pagkain at lugar na matutuluyan.

Daan-daang Stranded Na OFW Sa Saudi, Nanawagan Sa Pangulo 3
Photo credit: Screengrab from Facebook post

Ayon sa tagapagsalita:

Ang kompanya namin, willing kaming pauwiin. Actually, noong May 16, mayroon na silang inisyung ticket sa 285 na katao.

Dagdag ng tagapagsalita ng mga manggagagawa:

Nagpapasalamat po kami sa kompanya namin dahil kahit matagal nang tapos ang aming trabaho ay hindi kami pinabayaan.

Hindi natuloy

Ang airline na magdadala sa mga OFWs na nabigyan na ng mga ticket pauwi sa Pilipinas ay ang Saudia Airlines. Ibibili pa ng ticket ng kompanyang GS E&C ang mga kasunod na batch ng mga uuwing manggagagawa.

Hindi natuloy ang pag-alis ng mga manggagawang ito. Sinabing na-cancel ang flight ng mga may ticket na dahil hindi binigyan ng landing clearance ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang eroplanong mag-uuwi sana sa mga taong ito.

Ang panawagan

Daan-daang Stranded Na OFW Sa Saudi, Nanawagan Sa Pangulo 4
Photo credit: Screengrab from Facebook post

Ang tuwirang panawagan ng mga naturang OFW ay matulungan sila ng gobyerno na mapadali ang pagpapauwi sa kanila.

So, nananawagan kami dyan sa Consul General natin dyan sa Jeddah, sa POEA, sa OWWA, pati doon sa Riyadh embassy, o kahit sino man yung NASA gobyerno na pwedeng makatulong sa amin.

Facebook post

Sinabi ng tagapagsalita na dahil sa “force majeure” at pagsunod sa proseso ang dahilan kung bakit hindi pa rin sila nakakauwi. Naniniwala din silang hindi nagkulang ang kanilang pinagtatrabahuhang kompanya sa pagtulong sa kanila.

Kaya sana ang gobyerno naman natin ngayon ang pakinggan kami na makauwi kami sa lalong madaling panahon.

Facebook post

Inulit ng tagapagsalita ang kanilang takot na baka mapasukan ang kanilang grupo ng sakit ng COVID-19. Sinabi din niyang nag-aalala na ang kanilang pamilya dahil hindi pa sila nakakauwi.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: