Press "Enter" to skip to content

Dagdag Na Testing Machines Sa Bansa, Ibinigay Ng San Miguel Corporation (SMC)

Manila, Phillipines – Kinompirma ng DOH na nag bigay ang San Miguel Corporation ng bagong limang set ng testing machine kasabay ng mga dagdag na COVID-19 test kits. Ito’y para madagdagan at mapabilis pa ang pag proseso ng pagsasagawa ng testing araw-araw

Para mabilis matapos

Ayon sa San Miguel Corporation, dinaan nito ang donasyon sa DOH para mapalakas at mapabilis ang pagsasagawa ng mass testing kontra sa COVID-19 lalo na’t matatapos na ang lockdown sa Metro Manila ngayong May 15.

Dagdag Na Testing Machines Sa Bansa, Ibinigay Ng San Miguel Corporation (SMC) 2
Photo credits: CNN Philippines

Dagdag pa ng SMC, ang Reverse Transcription Polymerase Chain Reactiom (RT-PCR) machines at automated extraction system ay makakatulong para umabot sa 20,000 test ang maproproseso sa isang araw. Ayon pa sa SMC, mas mahalagang mag sagawa ng mass testing bago tanggalin ang lockdown upang muling makabangon ang pinoy sa ating ekonomiya at maagapan ang hawahan ng virus.

Mga hospital na pag bibigyan

Ayon pa sa DOH, dumating ang nasabing mga nasabing makina nitong Lunes lamang. Kasama sa mabibyan na mga hospital ay ang mga sumusunod:

(2) Research Institute for Tropical Medicine (RITM)
(1) San Lazaro Hospital
(1) Vicente Sotto Medical Center sa Cebu
(1) Southern Philippines Medical Center sa Davao

Dagdag Na Testing Machines Sa Bansa, Ibinigay Ng San Miguel Corporation (SMC) 3
Photo credits: CNN Philippines

Dagdag pa dito, kasabay na ibabahagi sa mga nasabing hospital ay ang dalawang RT PCR equipment at isang automated RNA extraction machine.

Mga tulong na ibinigay ng SMC

Sa kasalukuyan, umabot na sa P1.147 bilyong halaga ng pagkain, ethyl alcohol, gasoline, protective gear, libreng toll sa mga frontliner ang pinagkaloob ng San Miguel Corporation bilang ayuda sa gobyerno kaugnay nang laban sa COVID pandemic.

Dagdag Na Testing Machines Sa Bansa, Ibinigay Ng San Miguel Corporation (SMC) 4
Photo credits: CNN Philippines

Sabi ni SMC President Ramon S. Ang, nakikiisa ang kompanya sa hangarin ng pamahalaang maawat ang pagkalat ng virus.

” We are one with the government in wanting to curb the spread of the virus, and with enough capacity to test a greater number of people. We are optimistic and we will be able to gradually and safely restart the economy.

Dagdag pa ni Ang,

” We are committed to getting the economy back and running without risking a second wave of COVID-19 cases.”

Balik trabaho

Sa ngayon, nag sisimula na ang kumpanya na mag handa sa nalalapit na pag babalik trabaho ng kanilang ibang mga empleyado na nasa bakasyon.

Dagdag Na Testing Machines Sa Bansa, Ibinigay Ng San Miguel Corporation (SMC) 5
Photo credits: CNN Philippines

Wika pa ni Ang,

“It is essential that we take early action to ensure our working conditions are safe to return to for our employees and affiliates when the government relaxes the restrictions.”

Matatandaan na sa mga nakalipas na araw, gumawa sila ng Ethyl Alcohol para may maibahagi sa mga medical health workers at sa mga government frontliners.

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: