Press "Enter" to skip to content

Dahil Daw Sa Tsismis? Pambubugbog Sa 2 Menor De Edad Na Babae Na Videohan

Roxas City- Isang netizen ang nag-upload ng isang video sa social media kung saan sinabi nito na ipakalat ito, upang makulong ang babae at asawa nito na nambubugbog sa dalawang menor de edad na babae.

Ang nag-upload

Si Ching Ching ang ate ni Ashley Balenario na 19 na taong gulang na binugbog ng mag-asawa nilang kapit bahay, pati ang isa nitong kaibigan na 15 taong gulang noong ika-16 ng Mayo. Makikita sa video kung saan may isang babae ang galit na galit na sinabunutan at kinakaladkad ang nasabing mga menor de edad.

Ang Nag-upload- Pambubugbog
Facebook

Sabi ng nag-upload na si ching, dumadaan lang di umano ang dalawang bata upang maki-igib ng araw na iyon nang bigla na lang sinugod ng babae ang mga ito. Sabunot ang inabot ng dalawang menor de edad habang ibini-video ang nangyayari at dagdag pa ni ching walang awa di umanong sinaktan ang kanyang kapatid at kasama nitong menor de edad.

Paki-usap ni Ching

Nakiusap pa ito na tulungan i-share ang video upang makarating sa kinauukulan at makulong ang nasabing nambugbog, ayon pa dito hindi lamang ang babae pati di umano ang asawa nito na lasing ay tumulong din sa pananakit.

Aniya,

“Hoy babae wala kang karapatang saktan ang kapatid ko sa laki ng katawan mo hindi ka na nahiya sa ginawa mo..”

Ang nambugbog

Ang mag-asawang sangkot sa pananakit ay kapit bahay din mismo ng mga ito at ang sinasabing pinag-mulan ng lahat ay dahil lamang sa isang walang kwentang tsimis. Sa ngayon ang nasabing video ay nagkaroon ng iba’t-ibang kumento at ang isang dito ay nagsabi na dapat daw ay ipakulong ang mag-asawang nambugbog sa mga ito.

Sa ngayon ay wala pang sagot ang mag-asawa na sangkot sa pananakit sa nasabing mga menor de edad. Gayunpaman, ano pa man ang naging dahilan ay hindi na dapat umabot pa ito sa pisikal na pananakit.

Narito ang nasabing video

Ito un ohh nanakit sa kapatid ko at kaibigan nyang c dimple😠maging artista Karin sa ginawa mong pananakit girl😠BONG…

Posted by Ching Ching on Tuesday, May 19, 2020

Para sa iba pang update maaring bisitahin ang pinasbalita.org.

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: