Press "Enter" to skip to content

Dahil Hindi Nagpautang Ng Alak, May-ari Ng Tindahan Sinugod Ng Mga Kalalakihang Lasing

Viral ngayon sa social media ang kaguluhan sa harap ng gate ng isang sari-sari store ng sugurin umano ng grupo ng mga kalalakihan ang may-ari. Ito ay dahil umano sa hindi sila nito pinautang ng alak.

Pag aamok ng mga lasing

Makikita sa video na ilang kalalakihan na walang suot na damit ang nag aamok sa harap ng gate. Nais nilang pumasok sa loob at sugurin ang di na nakita sa video na kaaway. Sa harap ng nakabukas na gate nakatayo ang isang babae na pilit pumipigil sa pagsugod ng mga ito. Galit na galit ang babae dahil lasing umano ang mga lalaking nag aamok.

Dahil Hindi Nagpautang Ng Alak, May-ari Ng Tindahan Sinugod Ng Mga Kalalakihang Lasing 2

Damay pa pati ang isang plastic na upuan na nagka sira-sira dahil sa pagbalibag dito. Isa mga kalalakihan ang agresibo sa pagsugod sa di na nakita pang kaaway. Galit na galit ito at hindi matigil sa pagmumura at pagsisigaw.

Tropa

Maririnig rin sa video ang isang lalaki na tinatawag sa pangalang “Ryan”. Base sa babaeng nakaharang sa gate, hindi naman ito kasali talaga sa away ngunit nakikisali sa panunugod. Katwiran naman ng “Ryan” kaibigan niya ang lalaking agresibo kung kaya kadamay din siya sa gulo.

Dahil Hindi Nagpautang Ng Alak, May-ari Ng Tindahan Sinugod Ng Mga Kalalakihang Lasing 3

Matapos ang ilang minuto, pilit na kumakalma ang babae. Sinusubukan niyang kausapin ng mahinahon ang mga kalalakihan at nakikiusap na pag usapan ang ano mang hindi pagkakaintindihan sa mahinahon na paraan. Subalit tila bingi at nilamon na ng galit ang mga ito kung kaya ayaw magpapigil.

Resulta ng kalasingan

Simula na matapos ang Enhanced Community Quarantine sa karamihan ng lugar sa bansa, natanggal na rin ang liquior ban. Ngunit kasabay nito ay ang pagdami ng insidente ng pag aamok bunga ng kalasingan.

Dahil Hindi Nagpautang Ng Alak, May-ari Ng Tindahan Sinugod Ng Mga Kalalakihang Lasing 4

Nito lamang nakaraan na araw isang sundalo rin ang nag amok habang nasa impluwensya ng alak. Walang habas itong namaril na naging sanhi ng pagkamatay ng anim na katao. Sugatan din ang dalawang bystander lamang sa lugar. Sa huli, napatay ng mga pulis ang suspek matapos itong makipagpalitan ng putok.

credit to the owner of this video Reuploaded for entertainment purposes only Please LIKE & FOLLOW MY PAGE LIKE AND SHARE THE VIDEO. #VIRAL2020 #TRENDING2020

VIRAL ANG GRUPO NG MGA LALAKE NA LASING SINUGOD ANG MAY-ARI NG TINDAHAN DAHIL HINDI SILA PINAUTANG NG ALAK. PANOORIN.

Posted by Viral & Trending Samot Sari on Thursday, May 21, 2020

Source: Viral & Trending Samot Sari

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: