Press "Enter" to skip to content

Dahil Hindi Pinayagang Madala Sa Hospital; OFW Sa Riyadh Na May COVID-19 Patay!

Isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa bansang Riyadh ang namatay kamakailan matapos ikulong sa isang villa. Ang OFW ay hinihinalang tinamaan ng sakit na COVID-19 at hindi pinayagang madala sa hospital kaya ito ay namatay.

Ang OFW

Ang OFW ay si Jomar Tanyag at isang employer ng Zahran Operation Maintenance sa Riyadh, Saudi Arabia kung saan ang kanyang anak ay nanawagan upang ito ay matulungan mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ama.

Ang OFW- OFW
Photo Credit: Facebook

Ang dahilan ng pagkamatay ay dahil sa hindi pagpayag ng employer nito na ito ay madala ng ambulansya sa isang hospital upang magamot.

Ang Pangyayari

Ayon sa anak nitong si Fhrinj Tanyag sa isang panayam noong ika-2 ng Hunyo, ay sinabi nito ang kanyang amang si Jomar Tanyag ay limang araw ng nilalagnat kaya ito ay dinala sa isang clinic ng villa noong ika-28 Mayo. Isinailalim ito sa isang swab test at nag negatibo naman sa COVID-19 ngunit dahil sa hindi nawawala ang lagnat nito ay inerekomenda na ng doktor na ito ay dalhin sa isang hospital, subalit hindi umano pumayag ang supervisor ng nasabing villa na isang Egyptian at ikinulong pa ito sa isang quarantine building kung saan naroon ang mga kasamahan nito na may COVID19 din.

Ang Pangyayari- OFW
Photo Credit: Twitter

Aniya,

“Ngayon, hinarang nu’ng villa supervisor na Egyptian, so kinausap sa labas ng room ang father ko na hindi na po bumalik ang ambulance”.

Ang agam-agam

Sa huling pag-uusap diumano nila ng kanyang ama ay sinabi na inihiwalay na diumano ito sa nasabing quarantine building at dinala sa ibang palapag nito. Samantala nakatanggap naman sila ng isang tawag mula sa isang kasamahan ng kanyang ama noong ika-1 ng Hunyo kung saan sinabi na ito ay patay na.

Ang nangyaring ito ay inerport na diumano nila sa embahada ng Pilipinas sa Saudi, ngunit hanggang ngayon ay wala pa diumanong kumpirmasyon kung ano talaga ang kalagayan ng kanyang ama kung ito ba ay buhay pa o talagang patay na.

Si Jomar ay nakatakda sanang umuwi ng Pilipinas ngayong buwan ng Hulyo.

Source: GMANews

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: