Press "Enter" to skip to content

Dahil Sa Kawalan Ng Aksyon laban Sa Covid-19 Ng Isang Kompanya Sa Kuwait, Mga OFW Nanawagan

Nanawagan ang libo-libong overseas Filipino workers (OFWs) na nagtatrabaho sa isang Korean company para sa malaking proyekto sa Kuwait. Ang dahilan nito ay upang humingi ng tulong sa embahada dahil sa kawalan umano ng aksiyon ng kompanya para maproteksiyonan sila. Ito ay matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang ilang kasamahan sa trabaho.

Ang panawagan

Nahikayat ang mga OFW sa bansang Kuwait na manawagan upang makahingi ng tulong. Ayon sa kanila, ang mga nagkasakit ay hindi pa nabibigyan ng gamot ng naturang kumpanya.

Dahil Sa Kawalan Ng Aksyon laban Sa Covid-19  Ng Isang Kompanya Sa Kuwait, Mga OFW Nanawagan 2
ABS-CBN News

“Nananawagan po kami sa lahat ng embahada sa Kuwait, sana makuha ang tatlong nag-positive na nandito pa po sa kampo na maalis na po rito at saka magamot dahil kawawa naman po,” pahayag ni Leopoldo Hemaya, isang pipe-fitter sa naturang kompanya.

Dahil Sa Kawalan Ng Aksyon laban Sa Covid-19  Ng Isang Kompanya Sa Kuwait, Mga OFW Nanawagan 3
EEI Corporation

“May isang Pilipino natambay, wala pang gamot na ibinibigay. Pagkain mayroon po, ok lang ang pagkain. Iwas lang din po na hindi kumalat ang virus dahil sa kadami ng tao, kung hindi madala ‘yan, delikado kami rito na hindi apektado,” dagdag niya.

Ang pagkalat ng virus

Ayon kay Hemaya, nagsimula ang problema noong Abril 13 nang magpositibo sa virus ang isang Indian national. Kasama sa nahawahan ang isang Pilipino. Pero sa halip na dalhin ng kompanya sa ospital, ipinatigil lang umano nila ang mga ito sa loob ng kampo.

Dahil Sa Kawalan Ng Aksyon laban Sa Covid-19  Ng Isang Kompanya Sa Kuwait, Mga OFW Nanawagan 4
Rappler

“Paglipas po ng tatlong araw, kumalat nang kumalat ang virus po. Yung ibang Indian naman nahawaan naman, mga ilang araw tumaas nang tumaas po ang virus dito po,” sabi ni Hemaya.

Pinoy na nahawaan

Kasama sa kuwarto ni Arnel, ‘di tunay na pangalan, ang nagpositibong Pinoy kaya dinala siya at ang dalawang Pinoy sa temporary quarantine facility sa loob ng kampo.

Dahil Sa Kawalan Ng Aksyon laban Sa Covid-19  Ng Isang Kompanya Sa Kuwait, Mga OFW Nanawagan 5
Bulatlat

“Ang problema lang po namin, isang kasamahan naming Pilipino andito pa, andito pa sa kuwarto, nag-positive siya. Nagpa-check siya galing sa doctor dahil may lagnat daw siya, pagdating ng resulta noong isang araw, positive. “-Arnel

“Andito po nakatambay po sa loob ng kuwarto, bale tatlo po sila, dalawang Indian, hindi sila sineparate, magkasama sila sa loob ng kuwarto,” sabi niya.

Walang sapat na medikasyon

Saad pa niya, may 40 katao ang nasa loob ngayon na iba-ibang lahi at reklamo nila na walang sapat na medical attention sa quarantine facility. May 25 COVID-19 cases naman sa loob ng kampo.

Dahil Sa Kawalan Ng Aksyon laban Sa Covid-19  Ng Isang Kompanya Sa Kuwait, Mga OFW Nanawagan 6
Samahang Pinoy Kawanggawa

“Luya na lang at saka asin, ito na lang ang panlaban namin dito. Wala silang ibinibigay na mga gamot. Dapat may gamot o kaya vitamins na para sa amin dito, mga naka-quarantine. Ultimo alcohol wala din, pati sanitizer,” sabi ni Arnel.

Ang pagka alarma

Naalarma ang mga Pinoy sa kampo dahil araw-araw umanong nadaragdagan ang kaso ng COVID-19 sa kompanya, kung saan may higit 6,000 na manggagawa, 2,000 sa kanila mga Pinoy.

Dahil Sa Kawalan Ng Aksyon laban Sa Covid-19  Ng Isang Kompanya Sa Kuwait, Mga OFW Nanawagan 7
ABS-CBN News

“Marami kaming mga Pilipino na nag-ipon-ipon na pumunta sa opisina. Kinausap namin ‘yong admin doon na Koreano kung bakit hindi pa hinatid (sa ospital). Sabi nila wala silang alam kung may nakatago ba dito pero alam nila ‘yon, hindi lang sinasabi kaya sinabi namin na may tao diyan, may isang Pilipino at dalawang Indiano.”

“Nagkagulo na pero ang sabi naman kung mayroon d’yan sige gawan namin ng paraan para maihatid sa ospital sabi ng Koreano. Hanggang ngayon nandyan pa,” -Hemaya.

Ang pagresponde

Abril 24 nang magkaroon ng komprontasyon nang sugurin ang administration office ng kompanya sa Al Zour Camp ng ilang manggagawa nitong mula sa ibang bansa. Ito para alamin kung anong hakbang ang ginagawa nito matapos na magpositibo sa COVID-19 ang ilang empleyado. Nakarating naman ang hinaing ng mga Pinoy sa embahada ng Pilipinas.

Dahil Sa Kawalan Ng Aksyon laban Sa Covid-19  Ng Isang Kompanya Sa Kuwait, Mga OFW Nanawagan 8
Arab Times

“May mga nakausap na tayo na mga representatives ng company na ‘yun patungkol sa grievances at mga reklamo ng ating mga kababayan doon. Tayo ay nakikipag-ugnayan sa mga otoridad dito upang kanilang makita kung anong aksyon ang puwede nilang gawin,” sabi ni Philippine Embassy in Kuwait Charge d’ Affaires Charleson Hermosura.

Sa kasalukuyan

Dahil sa kakulangan umano ng aksyon ng kompanya, mismong mga Pinoy na ang nanguna sa paglilinis sa kani-kanilang building. Sa ngayon, 14 na building na ang naka-lockdown sa loob ng kampo.

Dahil Sa Kawalan Ng Aksyon laban Sa Covid-19  Ng Isang Kompanya Sa Kuwait, Mga OFW Nanawagan 9
Gulf News

Naka-lockdown na ang buong kampo mula Abril 27 at balik-trabaho sila sa Mayo 3. Giit ng mga Pinoy na kung walang aksyon ang kompanya, mas nanaiisin na lamang nilang umuwi sa Pilipinas kaysa mamatay sa COVID-19 nang walang kalaban-laban sa loob ng kampo.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: