Umalma ang mga Overseas FIlipino Worker (OFW) at nagsimulang magkalap ng petisyon sa mga kapwa nila. Ito ay dahil sa napipintong pagtataas ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) contribution ng mga ito.
Dahilan ng petisyon
Kamakailan lamang ang Philhealth ay nag lathala ng isang Circular 2020-0014 Premium contribution and collection para sa mga Overseas Filipino member. Nakasaad sa memo na ang mga OFW ay tungkulin na magbayad ng isang premium.

Na kung saan ito ay umaabot sa 3% ng kanilang mga suweldo bawat buwan. Ito rin ay magkakaroon ng penalty at interest sa sinumang lalampas ang pagbabayad ng naturang contribution.
Hinaing ng mga OFW
Ayon sa mga OFW, naniniwala silang mga OFW at ang kanilang mga dependents ay nakikipaglaban din na sa Pandemya na ito at gayon pa man ang Philhealth ay naglabas ng isang hindi patas na memo tungkol sa premium na pagbabayad. Naniniwala sila na ito ay isang kalabisan para sa kanila upang humingi ng isang interest rate and a penalty sa kanila.

Ayon pa sa mga OFW, ang pagtaas na ito ay magiging parusa na kung saan ay hindi patas at hindi makabagbag-damdamin. Para sa kagaya nilang mga napipilitang lumayo sa kanilang mga pamilya upang magtrabaho sa ibang bansa..
Ang petisyon
Nalulungkot din ang mga OFW na tinawag pa silang mga modernong mga bayani. Ngunit pinarurusahan sila sa mga ganyang direktiba.Sa kasalukuyan ay na ngangangalap sila ng online petition sa kanilang kapwa OFW.

Ito ay upang alisin ang Philhealth Mandatory 3% Premium Payment mula sa kanilang suweldo. At upang hikayatin ang Philhealth na baligtarin ang direktiba na ito, dahil hindi patas ito at isang pang-aabuso sa kanilang mga migranteng manggagawa.
Source: Change
Be First to Comment