Press "Enter" to skip to content

Dahil Sa Pagiging Masipag, Isang Tatay Na Tricycle Driver May Doktorang Anak Na

Labis na hinahangaan ngayon ang isang tricycle driver na tatay, dahil nakapagpatapos ng kanyang dalawang anak sa kolehiyo. Isang Dentist at Pharmacist ang naging bunga ng kanyang kasipagan.

May doktora na si Tatay

Nakapagtapos si Dra. Margarette Santiago Suobiron sa kursong Dentistry. Dahil ito sa pagsisikap ng kanyang mahal na ama. Si Edgar Suobiron na isang tricycle driver at magsasaka. Marami ang humanga sa ama ni Marga, dahil hindi nito alintana ang pagod at hirap, makapagtapos lamang niya ang kanyang anak. Bukod kay Marga, nakatapos rin sa kursong Pharmacist ang kanyang kapatid.

Dahil Sa Pagiging Masipag, Isang Tatay Na Tricycle Driver May Doktorang Anak Na 2
Photo Credit: Marga Santiago Suobiron

Ayon sa doktora, bata pa lang sila ay namamasada na ng tricycle ang kanyang ama. Graduate man ito sa kursong Marine Engineering, ngunit mas pinili nitong maging magsasaka at tricycle driver upang masubaybayan daw nito ang kanilang paglaki at hindi sila malayo sa isa’t-isa.

Masipag na ama

Napakasipag na ama ni Mang Edgar. Kwento ni Dra. Marga, bata pa lang siya ay nakita na niya ang pagsusumikap ng kanyang ama para lang matustusan ang kanilang pag-aaral.

Dahil Sa Pagiging Masipag, Isang Tatay Na Tricycle Driver May Doktorang Anak Na 3
Photo Credit: Marga Santiago Suobiron

Alas-kuwatro pa lang ng umaga ay gumagayak na ito upang magtungo sa bukid para magsaka. At bumabalik din ito mga bandang 6-7am para ihatid sila sa paaralan. Pagkatapos naman sila maihatid, diretso na ito sa pamamasada ng tricycle.

Para kay Doktora, wala ng hihigit pa sa kanyang ama. Ayon nga sa kanya,

“My father is a farmer and a tricycle driver and he’s my real life superhero. Nothing can change that.”

Malaki ang pasasalamat

Lubos ang pasasalamat ni Dra. Marga sa kanyang pinakamamahal na ama. Ayon sa kanya, napakaswerte nilang magkakapatid at ito ang kanilang ama. Isang ama na handang magsakripisyo para lamang mapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga anak.

Dahil Sa Pagiging Masipag, Isang Tatay Na Tricycle Driver May Doktorang Anak Na 4
Photo Credit: Marga Santiago Suobiron

Ang mga nakamit ni Dra. Marga ngayon ay alay niya sa kanyang ama. Higit kanino man, ang kanyang ama ang pinagkakautangan niya ng kung anong titulo meron siya ngayon. Ang kanyang pamilya ang naging inspirasyon niya sa pagtupad ng kanyang mga pangarap.

Proud na proud siya sa pagkakaroon ng ama na katulad ni Mang Edgar, ‘yung hindi alam ang salitang pagod, walang inaatrasan na hirap sa buhay. Bagamat salat sa karangyaan, pero nakakahanga dahil napagtapos niya ang kanyang mga anak ng pag-aaral.

Source: GMA Public Affairs

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: