Press "Enter" to skip to content

Dahil Sa Rider Na Alisto Drogang Padala Ay Nabisto!

Mabuti nalamang ay naging alisto ang isang Rider ng courier, dahil natuklasan niya na ang ipadadala niya pala ay naglalaman ng droga mula sa Caloocan papuntang Bulacan. Samantala, ang dalawang babae na tumanggap ng package ay naaresto. Ang mga droga ay itinago pa sa loob ng mga shorts.

Drogang padala

Ayon sa Delivery rider na pinangalanang “Richard”, nagpabook sa kaniya ang isang customer mula Caloocan upang magpadala ng Cellphone holder papuntang San jose del Monter Bulacan, ulat mula sa GMA News “24 oras” nitong huwebes lamang.

Dahil Sa Rider Na Alisto Drogang Padala Ay Nabisto! 2
Photo Credit: GMA News

Ngunit naghinala ang rider ng inabot nalamang sa kaniya ang package dahil nagmamadaling umalis ang nagpadala nito. Dahil sa pag usisa sa padala ay tinignan niya ito at sinuri na shorts ang laman ng shopping bag. “Pag-abot niya po sa akin sabay alis, du’n po talaga ako nagduda dahil po first time na mangyari sa akin,” saad ni Richard.

Ang pagsusuri

Bago magdeliver ay tumigil muna sa isang  Gas station at sinuri ni Richard ang padala na iniabot sa kaniya at doon niya nakita na may napkin at mga nakaipit na sachet ng hinihinalang droga. “Naghahanap-buhay po [ako] ng marangal, tapos hahaluan pa rin ng katarantaduhan. Paano kung sa akin po nahuli ‘yun?,”ayon kay Richard.

Dahil Sa Rider Na Alisto Drogang Padala Ay Nabisto! 3
Photo Credit: GMA News

Agad namang humingi ng tulong sa kaniyang kapatid na pulis si Richard, kung saan ay sinabihan siyang ireport ang pangyayari sa San jose Del Monte Police station. At dun sila nagsagawa ng entrapment operation sa tatangap ng padala. Hinuli agad ang dalawang babae na tumanggap ng padala.

P500 kapalit ng pag tanggap

Nag makaawa naman ang mga babae at iginigiit na hindi sa kanila ang droga. Ayon sa dalawa ay napakiuspan lamang sila ng kanilang kakilala na kuhanin ito. Ang isa ay binayaran ng 500 pesos at ang isa naman ay pinakiusapang magpapasama lang at wala siyang alam na droga ang kanilang kukunin.

Dahil Sa Rider Na Alisto Drogang Padala Ay Nabisto! 4
Photo Credit: GMA News

Samantala ay sumailaim sa drugtest ang dalawang babaeng suspek at nakumpirmang positibo sa droga ang dalawa. Haharap sa kasong possession of illegal drugs ang dalawa, at ang nagpadala naman ay patuloy na hinahanap.

“San ka makakakita ng ganon na tatangap ka lang ng packages eh bibigyan ka na ng limang daang piso” ayon kay LTCOL Gil Domingo. Duda ng San Jose Police station ay hindi ito ang unang beses na ginagamit ng mga suspek ang ganitong modus sa pakikipagtransaksyon sa illegal na droga.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: