Press "Enter" to skip to content

Dahil Sa Siyam Na Piso, “Pulis” Daw, Sinampal Ang Wallet Sa Jeep Driver

Isang video nanaman ang kumakalat ngayon sa social media kung saan isang mapanakit na lalaki ang nanampal ng wallet niya sa mukha ng isang jeepney driver.

Siyam na piso

Nagsimula ang video sa isang alitan ng tila nagkakainitan na na pasahero at ng isang jeepney driver. Kuha ang video ng taong nakasakay sa harapan.

Dahil Sa Siyam Na Piso, "Pulis" Daw, Sinampal Ang Wallet Sa Jeep Driver 1

Nagagalit umano ang pasahero tungkol sa sukli niya dahil malapit lang naman daw ang binyahe niya.

Sinabi naman sakanya ng driver na dahil sa Araneta siya sumakay, kaya ang pasahe niya ay siyam na piso. Isang daan ang pera niya kaya 91 pa ang sukli. Binawasan lang ng siyam na piso ang isang daan.

Nakainom

Maririnig din ang driver na sinasabi na mukhang nakainom daw ang pasahero. At kalaunan, ito ding driver ay pumatol pa at hiningi ang ID ng pasahero. Ito naman ay madaling kausap at binubot ang wallet mula sa bulsa niya.

Dahil Sa Siyam Na Piso, "Pulis" Daw, Sinampal Ang Wallet Sa Jeep Driver 2

Sa sobrang dali niya kausap imbes na ipakita lang ang ID ay isinampal ng pasahero sa mukha ng jeepney driver ang wallet. Hindi lang isa, kundi dalawang beses pa!

Paghahamon

Matapos masaktan ng jeep driver, kinuha nito ang cellphone niya na para bang may tatawagan. Hindi naman natakot ang pasahero at ipinakita pa ang ID niya na pulis daw siya.

Dahil Sa Siyam Na Piso, "Pulis" Daw, Sinampal Ang Wallet Sa Jeep Driver 3

Sinabi naman ng drivr na nagpapaliwanag lang naman siya ng maayos. Dito na hinamon pa ng pasahero ang driver na sige daw tumawag siya na tila walang kinakatakutan. Iginiit din ng driver na nakainom ang nasabing pulis at tama naman daw ang sukli niya.

Natigil nalang ang video nang sinabihan na ang driver na iabante nalang niya at wala nang mapapala dun. Subalit sabi ng driver nanakit na daw ang pasahero at nais niya pa isumbong siguro sa otoridad, ngunit natapos na ang video.

May iiyak nanaman sa TV!?Pulis daw siya sinampal ang kawawang driver.ABANGAN!-Koreano binugbog ang isang bakla sa malate,Panoorin👉🏻 https://www.facebook.com/100032372442298/posts/197369981352082/?d=n

Posted by Cu Well on Friday, February 21, 2020

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: