Press "Enter" to skip to content

Dahil Sa Tumalong Pusa, Bata Natanggalan Ng Isang Mata

Sa isang hindi inaasahang pangyayari, ang paningin ng isang bata ay tila nagdilim. Pahayag ng tatay, pusa ang may sala?

Ang aksidente

8:15 ng gabi nang mangyari ang sinasabing hindi inaasahang pangyayari na tila para bang bangungot kung ituring para sa bata.

Dahil Sa Tumalong Pusa, Bata Natanggalan Ng Isang Mata 2
Photo Credits: Danilo Cataquez

Ani Danilo Cataquez, ama ng bata, kinagabihan ng Lunes habang nakahiga ang dalawa niyang anak bigla raw tumalon ang pusa sa kanilang bintana.

Matapos nito, nalaglag umano ang isang pirasong jalousie glass mula sa bintana at aksidenteng tumama sa mata ng isang bata.

Dumaan sa operasyon

Sinugod sa East Avenue Hospital ang bata at kasalukyan paring iniinda ang sakit sa kanyang mata.

Dahil Sa Tumalong Pusa, Bata Natanggalan Ng Isang Mata 3
Photo Credits: Danilo Cataquez

Inoperahan ang bata dahil sa malungkot na realidad ay kinakailangan tanggalin ang kaliwa niyang mata.

Labis ang lungkot ng ama kung kaya’t nanawagan ito sa Facebook upang matulungan siya sa operasyon at pagpapagaling ng kanyang anak.

Tulong mula sa netizens

Panawagan ni Daniel,

“…pacncya na po kayo Kong pakapalan KO ang mukha KO. Mhal na mahal KO ang dalawang kong Anak. Mrameng salamat po.”

Dahil Sa Tumalong Pusa, Bata Natanggalan Ng Isang Mata 4
Photo Credits: Danilo Cataquez

Dahil sa kanyang post, nalungkot din ang mga netizens para sa aksidenteng nangyari sa bata at may mga ilan narin ang nagpaabot ng tulong para sa bata.

Para sa mga nais tumulong, maari niyo pong bisitahin ang official Facebook account ng kanyang tatay.

Source: Danilo Cataquez

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: